Daniel 3 oras daw na-late sa show, maraming naperwisyo | Bandera

Daniel 3 oras daw na-late sa show, maraming naperwisyo

Alex Brosas - August 01, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

GRABENG perwisyo pala ang dala ng pagka-late ni Daniel Padilla ng three hours during his launch in one of Bench’s events recently.

Yes, three hours naghintay ang lahat sa pagdating ni Daniel, tatlong oras na nakatunganga ang lahat – mga models, back-up dancers, movie press, fans at higit sa lahat, si Mr. Ben Chan and his family.

Halatang imbiyerna na raw si Ben Chan sa super late na si Daniel. Imagine, tatlong oras siyang pinaghintay.

Takang-taka naman ang mga press kasi sa Commonwealth lang daw ang bahay ni Daniel at sa Trinoma lang ang event tapos inabot siya ng three hours sa traffic.

Hindi pala nag-umpisa ang show hangga’t hindi dumating si Daniel kaya naman talagang perwisyo ang nangyari. Imagine, lahat nag-wait sa kanya.

Bakit mala- king perwisyo ang pagka-late ni Daniel? Well, for one, per hour ang bayad sa venue. Dahil late siya ng three hours, siyempre nagdagdag si Ben Chan ng bayad for three hours.

Kawawa ang mga dancers at ang mga models dahil nakatengga sila ng tatlong oras sa paghihintay kay Daniel.

Noong una, merong disc jockey na foreigner na nagpapatugtog ng music para aliwin ang mga audience pero after two hours ay huminto na siya.

Siguro per hour ang bayad sa kanya at two hours lang ang kontrata niya kaya huminto na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending