Coco hindi alam na tsugi na pala si Angeline sa Ang Probinsiyano

By Reggee Bonoan July 31,2015
share this

Coco hindi alam na tsugi na pala si Angeline sa Ang Probinsiyano

By Reggee Bonoan July 31,2015
share this


coco martin

WALA palang alam si Coco Martin na hindi na kasali si Angeline Quinto sa seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano. Wala pa raw nagsasabi sa kanya tungkol sa pagkakatanggal ng singer-actress sa programa.

Kaya nang malaman daw ng ito ng aktor ay labis siyang nanghinayang, “Alam ko magkakasama kami pero nabalitaan ko na nagkaroon ng problema sa schedule kasi meron na siyang mga commitments abroad.

“Si Angeline kasi, sa unang pelikula niya, ako na ang kasama niya. Nu’ng napanood ko kasi siya before, sabi niya kasi parang hinahangaan niya ako bilang artista.

“Nu’ng napanood ko, sabi ko balang araw makakatrabaho ko ito. And then ‘yun nga, ginawa namin ‘yung ‘Born To Love You,’ siya talaga ‘yung naisip ko na maging leading lady.

Talagang tinrabaho namin. Sinamahan ko pa siya sa workshop. “Nalungkot ako nu’ng nalaman ko kasi unang-una, bagay na bagay sa kanya ‘yung role.

Pero sabi ko nga, siyempre may management, kung ano ang magiging decision nila. Nakakahinayang,” sabi ni Coco nang makapanayam siya ng ABS-CBN.

As of now ay wala pa kaming ideya kung sino ang kapalit ni Angeline sa Ang Probinsiyano, nagtanong naman kami sa taga-Dreamscape Entertainment pero hindi naman kami nasagot pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending