Mga senador, kongresista absent sa Metro Manila wide quake drill | Bandera

Mga senador, kongresista absent sa Metro Manila wide quake drill

- July 30, 2015 - 01:21 PM

HINDI nakilahok ang mga senador at kongresista sa isinagawang isang oras na Metro Manila earthquake drill.

Sa Kamara, ang mga House employees ang nagkunwaring mga kongresista na nasa session hall nang gawin ang simulated 7.2 earthquake drill alas 10:30 hanggang alas 11:30 ng umaga Huwebes.

Sa ginawang “drama” sa Batasang Pambansa, walo umanong congressman ang namatay sa nasabing “lindol” na sinundan ng pagkasunog.

Hindi rin nakilahok ang mga senador sa drill sa gusali ng Senado, bagamat ilan sa kanila ay nanawagan sa pamamagitan ng kanilang mga social media account na makiisa sa Metro Manila wide drill.

Sa Palasyo, nakisabay din ang mga empleyado sa drill.

Hindi rin nakita sa scenario si Pangulong Aquino.

Paliwanang ni Secretary Coloma, sa ganitong mga sitwasyon ay kailangan umano na “confidential” ang kinaroroonan ng pangulo.

Gayunman, nilinaw nito na ang pangulo ay kasama niya sa Bahay Pangarap, official residence ni Pangulong Aquino, at nagmomonitor ng mga kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala, ilang matataas na opisyal na pinangungunahan ni Interior Secretary Mar Roxas, Defense Secretary Voltaire Gazmin ang sumali naman sa drill sa Camp Aguinaldo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending