Gilas 5 huhugot ng players mula MVP teams | Bandera

Gilas 5 huhugot ng players mula MVP teams

Mike Lee - July 30, 2015 - 03:00 AM

gilas 5

HINDI malayong mga manlalaro mula sa koponang pag-aari ni Manny V. Pangilinan (MVP) sa PBA ang magdomina sa bubuuing national pool para sa FIBA Asia Men’s Championship sa Changsha, China sa Setyembre.
Sina Jayson Castro at Ranidel de Ocampo ang tiyak na mangunguna sa mga manlalarong pipiliin mula sa mga PBA teams ni MVP dahil sa magandang ipinakita noong napabilang sila sa Gilas.
Si Castro nga ay napabilang sa Mythical Five sa 2013 FIBA Asia kung saan ang koponan ay tumapos sa pangalawang puwesto sa likod ng Iran.
Magagamit naman ang husay ni De Ocampo sa pagbuslo sa labas bukod sa galing na kumilos sa ilalim.
Sina Castro at De Ocampo ay naglalaro sa Talk N’Text na isa sa tatlong teams ni MVP sa PBA. Ang iba pa ay ang Meralco at NLEX na puwedeng magpahiram ng kahit ilang manlalaro lalo na kung umayaw o hindi payagan ang mga players galing sa ibang teams.
Samantala, si Terrence Romeo ng Globalport ay may go signal na mula sa kanyang mother team para sumama sa national pool habang ang ‘ageless’ na si 6’10” Asi Taulava ng Road Warriors ay inimbitahan na rin.
Ang pagpasok ni Taulava ay magtitiyak na may isa pang malaking manlalaro si coach Tab Baldwin lalo pa’t di tiyak kung makakabalik sa koponan sina 6’10’’ Junmar Fajardo ng San Miguel Beer at mga Barangay Ginebra players na sina 6’7’’ Japeth Aguilar at 6’11” Greg Slaughter.
Ang back-to-back PBA MVP na si Fajardo ay mayroong iniindang injury sa paa at maaaring hindi ipahiram ng San Miguel Beer dahil maaapektuhan ang kanilang kampanya sa 41st PBA season.
Sinabi naman ni SBP executive director Sonny Barrios na sa susunod linggo ay ilalahad na nila ang mga kasali sa national pool. —Mike Lee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending