Nahihirapan ng mag-aral | Bandera

Nahihirapan ng mag-aral

Joseph Greenfield - July 30, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Junior KM 11, Sasa, Davao City

Dear Sir Greenfield,

Sa kasalukuyan po ay nag-aaral ako sa kolehiyo at buwanan po ang aking bayad, tuwing mage-e-exam. Ang problema wala na akong pambayad ngayong buwang ito dahil umutang nga si mama ng pambayad para pang- tuition ko kaya lang nagamit naman ang pera ng magkasakit ang kapatid ko. Tuwing sa- sapit na lang ang bayaran ay nangungutang ang mama ko para lang mapagtapos ako ng pag-aaral, kaya sa pakiramdam ko malaking pabigat na ako sa aming pamilya kaya balak ko na mag-hinto at maghanap na lang ng trabaho. Tama ba ang naiisip kong ito, maghihinto na lang ako at tutulong sa pagta-trabaho para mabawasan ang problema ng pamilya namin? Kung maghihinto ako at maghahanap ng trabaho mata-tanggap naman kaya ako magkakaroon kaya ako ng magandang trabaho? January 17, 1994 ang birthday ko.

Umaasa,
Junior ng Sasa, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kapag naghinto ka ng pag-aaral tuluyan ka ng hindi makakatapos ng pag-aaral dahil mawiwili ka ng magtrabaho, ito ang nais sabihin ng Fate Line na huminto sa gitnang bahagi ng palad pero nag iba lang ito ng linya (Illustration 1-1 arrow 1.at arrow 2.). Ibig sabihin delikadong maghinto ka sa kolehiyo dahil baka ang mangyari nito tulad ng nasabi na, puro trabaho na lang ang gawin mo gayong hindi ka pa tapos sa kolehiyo.
Cartomancy:

Nine of Clubs, King of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kapag nag-hinto ka ng pag-aaral, madali ka ngang magkaka-pera dahil bata palang ay matututo ka ng mag-trabaho pero habang tumatagal mararamdaman mong nilalait ka ng mga tao dahil nga hindi ka tapos ng kolehiyo.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending