Gilas national pool hindi pa buo | Bandera

Gilas national pool hindi pa buo

Mike Lee - July 29, 2015 - 01:00 AM

HINDI dapat mabahala ang mga mahihilig sa basketball kung hindi pa nakapagbuo ng national pool ang bansa para sa 2015 FIBA Asia Men’s Championship sa Changsha, China mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3.

Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate ni SBP e- xecutive director Sonny Barrios, sinabi niya na tanging si naturalized Pinoy Andray Blatche pa lamang ang nakakatiyak ng puwesto dahil kasaluluyang nakikipag-ugnayan pa si coach Tab Baldwin sa mga PBA teams patungkol sa mga gusto niyang players.

May 26 pangalan ang naunang itinala ni Baldwin sa kanyang “wish list” pero hindi pa batid kung ilan dito ang puwedeng maglaro sa Gilas.

“Nag-umpisa sa 26 iyan pero hindi ko nakita ang mga pangalan. Kung ilan na iyan, kung 15,18 o 16, hindi ko masabi. But definitely, mahigit sa 12 players iyan,” ani Barrios.

Maliban sa pahintulot ng mga mother teams, kailangan ding hintayin ng SBP ang desisyon mismo ng manlalarong kinukuha kung sasama ba sila o hindi.

“Mahalaga rito ang perso- nal decision ng mga players at anuman ang kanilang maging desisyon ay irerespeto ito ng SBP. One thing na ginagarantiya natin ay we will field the best possible team for the FIBA Asia,” ani pa ni Barrios.

Bukod kay Blatche ay nabanggit na noon ni Barrios ang pangalan ni 6’10” Junmar Fajardo sa koponan. Pero ang paglalaro sa Gilas ng two-time Most Valuable Player ng PBA ay nalalagay sa alanganin bunga ng injuries.

Samantala, nagpahayag na ang beteranong point guard ng Barangay Ginebra na si LA Tenorio na hindi siya makapaglalaro sa Philippine team.

“Kasi naman yung siko ko hindi pa completely healed at hindi na ako bumabata. hindi rin ako magiging effective, and it’s unfair to them,’’ sabi ni Tenorio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending