INAMIN ni Senador Cynthia Villar na mahihirapan ang Nacionalista Party na magdesisyon kung sakaling pare-parehong magsitakbo bilang bise presidente sina Senador Bongbong Marcos, Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano na pawang mga miyembro ng partido.
Sa tatlong senador, si Trillanes pa lamang ang nagdeklara sa kanyang intensyong tumakbo bilang bise presidente. Sinabi naman ni Cayeteno na nakakuha siya ng imbitasyon mula sa mga sumusuporta kina Sen. Grace Poe at Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas II para siya maka-tandem. Samantala, hindi pa opisyal na nagdedeklara si Marcos ng kanyang plano para sa 2016. Gayunman, lumulutang ang pangalan ni Marcos bilang posibleng running mate ni Vice President Jejomar Binay. “Para ngang marami sa kanila ang (tatakbong) vice president, so that would be the difficulty for us; sana kung isa lang from the NP, that would be easy,” sabi ni Villar.Matatapos na ang termino nina Marcos at Cayetano sa 2016, samantalang hanggang 2019 pa ang termino ni Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending