Ayaw ng magpulis | Bandera

Ayaw ng magpulis

Joseph Greenfield - July 26, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Erice ng Sta. Maria, Treto, Agusan del Sur
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan ay okey na ang aking ranggo at suweldo bilang alagad ng batas, ang problema may mga bagay kaming hindi pinagkakasunduan ng superior ko kaya nagpalitpat ako ng assignment, ang problema mas maraming intriga at magugulong sitwasyon sa nalipatan ko, kaya sa kasalukuyan kahit wala pa ako sa retirement age ay balak ko ng mag-resign sa aking trabaho. Kasi ang totoo nito buhay ko na mismo at ang kinabukasan ng pamilya ko ang nakataya sa gagawin kong desisyong ito. Kapag wala na ako sa pambansang kapulisan saang larangan o career kaya ako aasenso? January 7, 1971 ang birthday ko.
Umaasa,
Erice ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang at hindi naman huminto sa halip ay lumipat lang ng linya ang matayog, malinaw at maganda namang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin tama ang desisyon mo kahit umalis ka sa pagpupulis, hindi ka naman mawawalan ng hanap buhay, sa halip ang mangyayari “change of career lang” o pagbabago ng trabaho kaya patuloy mo paring mabibigyan ng magandang kinabukasan ang iyong pamilya at kapag di ka na pulis, ligtas pa ang buhay mo.
Cartomancy:
Five of Clubs, King of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang naglalarawang ikaw ay halimbawa ng isang matapat na naglilingkod at ayaw mong mabahiran ng corruption at pandadaya ang iyong ginagawa, dahil dyan matapos kang mag-resign sa pagpupulis, higit at mas marami pang magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyo lalo na may kaugnayan sa materyal na bagay o sa pera.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending