Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. JRU vs Lyceum
4 p.m. Arellano vs San Sebastian
Team Standings: Letran (5-0); Perpetual Help (4-1); San Beda (4-1); Arellano (3-1); JRU (2-2); San Sebastian (1-3); Lyceum (1-3); Mapua (1-3); St. Benilde (1-4); EAC (0-4)
BAGAMAN malamya ang umpisa ay tumibay naman ang laro ng Letran Knights sa second half para kunin ang 79-71 panalo sa Perpetual Help sa labanan ng mga walang talong koponan kahapon sa 91st NCAA men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City.
Sina Mark Cruz, Rey Nambatac at Kevin Racal ay gumawa ng 15, 15 at 11 puntos pero nakatulong ang Cebuano player na si Jomari Sollano sa ka nyang nakolektang 14 puntos, 6 rebounds, 3 steals at 3 blocks para ibigay sa Knights ang ikalimang panalo sa limang laro.
Sina Sollano, Racal at Keir Quinto ang nagtulong-tulong din sa pagdepensa sa league leading scorer na si Bright Akhuetie na nalimita sa pitong puntos at anim na rebounds lamang. Manipis ito kumpara sa mga nagawa niya sa unang a- pat na laro ng Altas kung saan nag-average siya ng 25 puntos at 15 boards kada laro.
“Gaya sa sinasabi ko, ang ibang players namin ay puwedeng magdeliver. Si Sollano rookie-veteran siya dahil batak siya sa laban sa CESAFI. Kapuwesto lamang niya si Kevin kaya limited ang playing time,” wika ni Letran coach Aldrin Ayo.
Si Earl Scottie Thompson ay tumapos taglay ang 22 puntos, 9 rebounds, 6 assists at 2 blocks habang si Gab Dagangon ay may 12 puntos at si Prince Eze ay may 10 para sa Perpetual.
Gayunman, tig-pitong errors ang ginawa nina Thompson at Dagangon sa laro para magkaroon ng kabuuang 27 turnovers ang Altas na nagbigay ng 25-12 bentahe sa turnover points sa Knights.
Siyam na errors ang naihirit ng Knights sa Altas sa ikatlong quarter.
—Mike Lee
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.