Baha kalaban ng air filter | Bandera

Baha kalaban ng air filter

- September 05, 2012 - 04:40 PM

DAHIL tag-ulan ngayon at uso ang baha, malamang sa hindi ay aabutin ng tubig ang air filter kung sakaling lulusong sa tubig.

Kung aabutin na ng tubig ang air filter, makabubuting patayin na ang makina ng motorsiklo at itulak na lamang ito patawid.

Maraming motorsita ang hindi nakakaalam kung anong pinsala ang nagagawa ng tubig sa motorsiklo.

Kung talagang ayaw mong abutin ang air filter ng iyong motor ay tuluyang mapinsala ito, mas  makabubuti rin na huwag ng tumawid at hintayin na lamang na bumaba ang lebel ng tubig.

Walang masama sa paghihintay maliban na lamang sa posibleng mahuli ka sa iyong patutunguhan.

Kapag pinasok kasi ng tubig ang air filter, agad itong nakararating sa makina na magreresulta sa pagkasira nito.

Kapag nangyari ito ay pihadong gagastos ka sa pagpapa-ayos.Sa ilang modelo ng motorsiklo, partikular ang mga lowered, ang tubig na may taas na 50 sentimetro ay mapanganib na dahil maaari nang makapasok ang maruming tubig baha.

Ang tubig ay mabilis na dumadaloy at pumapasok din maging sa exhaust ng motor.

Kung napadaan sa baha, makabubuti rin kung aalisin ang tubig ng exhaust bago muling paandarin ito.

Bago pa tuluyang paandarin ang iyong motor, makabubuti kung titignan din ang kondisyon ng makina at ang wiring nito.

Ang mga basang wire, lalo na sa mga lumang motorsiklo, ay maaaring magdulot ng short-circuit na lubhang makakasira sa electrical system ng sasakyan.

Kasama sa electrical system ang electric start, busina, head light, signal light at gauge.

Huwag din kalimutan na tignan ang spark plug.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Editor:  May natutunan ka ba sa artikulong ito?  May tanong, komento o suhestyon ka ba? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending