Bashers tinawag na Denial Queen at playgirl si Julia Barretto

By Ambet Nabus July 22,2015
share this

Bashers tinawag na Denial Queen at playgirl si Julia Barretto

By Ambet Nabus July 22,2015
share this

julia barretto

Well, sa nangyayari ngayong bukingan sort of thing sa diumano’y mga nakarelasyon ni Julia Barretto noon na dinedenay naman ng dalaga, talagang negang-nega ngayon ang image nito.

Bukod daw sa pagiging Denial Queen, e, playgirl din daw pala ang Kapamilya young actress. Noong una niyang dinenay si Julian Estrada na diumano’y nakarelasyon niya for a while, medyo napag-isip pa ang marami kung ano ang totoo.

Then, came James Reid na itinanggi rin niya. Ganu’n din daw ang ginawa niya kay Inigo Pascual.
Ang latest “casualty” ay ito ngang si PBB teen housemate Kenzo Gutierrez na umamin sa loob ng Bahay ni Kuya na nagkaroon sila ng “something” noon ni Julia.

At hindi lang daw basta friendship ang namagitan sa kanila. Hindi ma- gandang impresyon ang mga ganitong issue sa isang gaya niyang dalagita di ba, kapatid na Ervin?

Hindi na nga matapos-tapos ang mga kontrobersya sa pamilya niya at sa kanyang daddy, heto’t nadidiin pa siya sa kanyang mga nakaraang eksena with some boys.

Tsk, tsk, tsk…we just hope na hindi ito makaapekto sa mga ginagawang niyang projects, lalo na sa ginagawa nilang teleserye ni Inigo Pascual.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending