Dennis: Nangaliwa ako, naging kabit, ngayon ako ang niloko! | Bandera

Dennis: Nangaliwa ako, naging kabit, ngayon ako ang niloko!

Ervin Santiago - July 22, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

HANDA nang sumabak sa isang bago at challenging role ang Drama King na si Dennis Trillo para sa upcoming primetime series ng GMA, ang My Faithful Husband.

Gagampanan ni Dennis ang role ni Emman dela Paz, isang mabuti at mapagmahal na asawa ni Mel at tatay ng kanilang mga anak.

Ngunit makakaranas siya ng matinding sakit nang matuklasan niya na ang kanyang asawa ay hindi tapat sa kanya.

Ayon kay Dennis malayo ang karakter ni Emman sa mga dati niyang ginampanan sa kanyang mga dating teleserye, “Siguro hindi yung typical na lagi na lang porma, laging ayos.

Dito medyo deglamourized siya ng konti kasi yung character ni Emman, mababa lang pinag aralan niya. Hindi siya mayaman. Hindi siya maporma. Simpleng tao lang siya.”

Dagdag pa niya, natutuwa siya dahil isa na namang challenging role ang gagawin niya. “Nakakatuwa na pinagkakatiwala yung mga ganitong roles sa akin, na this time ako naman yung faithful.

“Sa Temptation of Wife, ako ang nangangaliwa. Sa My Husband’s Lover, ako yung kabit. Ito yung hindi ko pa siguro nagagawa, so binigay nila sa akin.

Kaya natutuwa naman ako na nagagawa ko yung mga iba’t ibang klaseng roles at binibigyan nila ako ng chance na magawa ‘tong mga roles at iba’t ibang situation ng characters, na hindi pare-pareho at paulit-ulit na istorya at kwento ang ginagawa ko,” pahayag pa ni Dennis.

Makakapareha niya rito ang rumored girlfriend niya (uli), ang Kapuso leading lady na si Jennylyn Mercado bilang si Mel, ang asawa ni Emman.

Mula sa una nilang pagsasama sa drama series na Gumapang Ka Sa Lusak, tiyak na marami ang mag-aabang sa kanilang pagbabalik-tambalan at excited sa maipapamalas nilang onscreen chemistry.

Hindi rin maitago ni Dennis ang excitement sa pagtatambal nila uli ni Jen, “Siyempre excited ako na makatrabaho siya uli.

Last time ko siya nakatrabaho five years ago, dramarama sa hapon yung ginawa namin. Ngayon naman sa primetime.

“At hindi ito yung pangkaraniwang love story, love triangle. This time makikita naman nila dito na hindi yung lalake yung nangangaliwa.

Instead, babae yung nagkaroon ng affair sa ibang lalake kahit kasal na siya. Pero yung plot ng kwento, hindi siya yung typical na plot ng mag-asawa na may kabit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula siya medyo magaan, then pabigat ng pabigat,” chika pa ng Kapuso actor. Si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng serye at ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya ang mahusay na director.

Alamin kung paano gagampanan ni Dennis ang karakter ni Emman sa My Faithful Husband ngayong Agosto sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending