Lani naapektuhan na raw ang boses dahil sa pagpaparetoke | Bandera

Lani naapektuhan na raw ang boses dahil sa pagpaparetoke

Jobert Sucaldito - July 22, 2015 - 02:00 AM

regine velasque

MANY years ago, mas gusto kong pakinggan ang boses ni Lani Misalucha kaysa kay Regine Velasquez. Mas buo kasi ang boses ni Lani kay Regs kaya mas feel ko si Lani.

Masyado kasing matining ang boses ni Regine before pero no question sa husay at quality ng boses niya. She’s truly a Songbird.

But times change at maraming nababago sa buhay at kapasidad ng bawat isa sa atin. Minsan nababaligtad ang mundo.

After many years, after manganak si Regine, medyo bumaba ang boses niya pero buong-buo naman ito. Mas naging solid samantalang si Lani naman, sa sobrang pagpaparetoke yata ay tila naapektuhan din ang quality ng boses.

Kung napapansin ninyo, may mga sablay na siya sa pagkanta kahit marunong pa rin naman siyang mag-whistle na siyang naging tatak niya for the longest time.

Hindi na gaanong tumbok ni Lani ang notes ng songs niya – not as much as before. Kaya ngayon ay masasabi kong mas gusto ko na ang boses ni Regine.

“Bakit? Naaapektuhan ba ng enhancements sa mukha ang boses? Pag nagpaayos ka ng ilong ay mababago rin ang quality ang boses mo?” tanong ng isang nagmamaang-maangang fan ni Lani.

Hindi lang niya siguro ako madiretso na imbyerna siya sa opinyon ko. Natural! Napapansin niyo ba ang mga nagpapaayos ng ilong – kadalasan sa kanila ay nagiging parang ngongo.

Kasi nga, me nabago sa passage ng boses niya, ‘no! That’s medically proven. Kaya yung iba ay natatakot magpaayos ng ilong dahil baka mangongo sila pag kumakanta.

Eh si Lani, hindi lang naman ilong ang pinagawa niya, di ba? No offense meant pero ibang-iba na talaga ang mukha niya.

Yes, gumanda siya pero hindi na siya yung tunay na mukha ni Lani. Natatawa nga ako tuwing naiisip ko pag gumising siya sa umaga at nakita niya ang mukha niya sa salamin – hindi ba siya nagugulat dahil parang ibang tao na ang nakikita niya sa mirror? Ha-hahaha! Si Regine naman ay nagpa-enhance lang ng skin at ngipin. Pero same look pa rin siya.

Anyway, personal kong view ito. You may or may not agree with me. Basta ang sa akin lang, mas gusto ko na ang boses ni Regine Velasquez ngayon dahil naging mas buo at lumabas ang tunay na quality.

“Bumaba nga ang boses ko eh, mas naging buo nga lang. Yung mga dating matataas kong kinakanta ay hirap na rin ako minsan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May effort na kumbaga pero nakakaya ko pa naman,” ang pag-amin ni Regine sa akin during her Regine Series concert for PLDT Home Landline.

Kayo, sino ang mas mahusay para sa inyo – si Regine or si Avatar? Ay sorry, si Lani Misalucha pala. Joke lang. Kayo talaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending