Kalat na: Dingdong pinipilit ng mga politiko na tumakbo sa Eleksiyon 2016 | Bandera

Kalat na: Dingdong pinipilit ng mga politiko na tumakbo sa Eleksiyon 2016

Ervin Santiago - July 21, 2015 - 03:00 AM

DINGDONG DANTES

DINGDONG DANTES

MAS marami ang naniniwala na tatakbo sa darating na 2016 elections ang mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes.

Ito’y sa kabila nga ng ilang ulit na pagdedenay ng Kapuso Primetime King na wala pa siyang planong sumabak sa politika at mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya at showbiz career.

Lalo na nga raw ngayong magiging tatay na siya.

Pero ayon sa usap-usapan sa social media, gugulatin na lang daw ng kampo ni Dong ang madlang pipol bago magsimula ang election season next year.

Base sa ulat, marami pa ring politiko ang nanliligaw kay Dingdong para tumakbo sa isang government position sa 2016, pero sa ngayon ay matigas pa rin ang desisyon ng aktor na huwag munang sumabak sa magulong mundo ng politika.

Nauna nang sinabi ni Marian sa kanyang past interviees na kung anuman ang magiging desisyon ng kanyang mister sa darating na 2016 ay 100 percent niyang susuportahan.

Samantala, narito naman ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng kuwento ng Pari ‘Koy ni Dingdong sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Maririnig ni Joshua ang ingay na hinahanap ng mga pulis ang daddy niya. Dali-dali siyang lalabas ng kwarto. Maaabutan niyang hostage ni Jude si Kokoy.

Makikiusap si Joshua na pakawalan ito dahil sa mga kaibigan niya. Manlalambot si Jude sa pakiusap ng anak. Bibitawan na niya ito.

Magyayakapan ang mag-ama at mangangako si Joshua na magpapagaling upang madalaw niya ang daddy niya.

Maaabutan naman ni Timo si Simon sa bahay nang dalhin niya ang mga paninda ni Noemi dahil doon naman na raw nakatira sina Sarah (Jillian Ward).

Ipinagtapat ni Noemi kay Maggie (Catherine Remperas) na umuwi na sila ni Sarah kay Simon at mahal parin niya ang asawa sa kabila ng mga naging gulo nila.

Hindi siya nagpaapekto sa kagustuhan ni Maggie na si Matthew sana ang piliin.

Hurt naman si Simon nang sabihin ni Timo sa kanya na mas okey ang kapatid niya kung si Matthew ang pipiliin nito dahil puro pahirap lang siya kay Noemi.

Paggising ni Noemi at Sarah, wala na si Simon sa bahay. Hahanapin siya ni Noemi. Ipagtatanong-tanong pero hindi nya ito makikita.

Handa na rin ipakilala ni Kokoy si Pinggoy (David Remo) sa Daddy Manuel (Spanky Manikan) niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabibigla naman si Manuel nang ipakilala ni Sam (Hiro Peralta) at Kokoy si Pinggoy. Kahit nagsungit ito ay lalambot din ito pagyakap ni Pinggoy.’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending