Ted Failon magbabalik-politika nga ba sa 2016? | Bandera

Ted Failon magbabalik-politika nga ba sa 2016?

Cristy Fermin - July 21, 2015 - 03:00 AM

TED FAILON

TED FAILON

Maraming nagtutulak sa magaling na news anchor na si Ted Failon na balikan ang mundo ng pulitika.

Minsan na siyang naging kinatawan ng kanilang distrito sa Leyte, naging maayos ang kanyang serbisyo, kaya iniimbitahan uli siya ng mga tagaroon para kumandidato sa halalan sa susunod na taon.
Pero mukhang wala na sa bokabularyo ngayon ng magaling na news anchor-komentarista ang pulitika.

Gusto na niya ng isang tahimik na buhay, ‘yung kanyang-kanya ang oras niya, dahil sa kanyang mga anak na sina Kaye at Karishma.

Naranasan na niya ang pagseserbisyo-publiko, para kay Ted Failon ay naibigay niya naman ang mga pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan, okey na sa kanya ang ganu’n.

Kahit naman wala siya sa mundo ng pulitika ay angat pa rin ang pagseserbisyo niya para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang radio program sa DZMM.

Walang maipampagamot, walang pampalibing, walang pambayad sa ospital—lahat ‘yun ay ginagawan niya ng paraan para makatulong sa mga lumalapit sa kanyang programa.

Tama na sa kanya ang pagraradyo araw-araw, ang kanyang programang Failon Ngayon na puro makabuluhang paksa ang tinututukan, totoong-totoo naman na kahit wala kang upuan sa pamahalaan ay makatutulong ka pa rin sa mga nangangailangan.

Isa si Ted Failon sa mga news anchor-komentaristang nirerespeto ng mga Pinoy dahil sa kanyang matinding paninindigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending