SBMA nais nang maialis ang mga basura ng Canada mula sa Subic Freeport
NANAWAGAN kahapon si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chair Roberto Garcia sa Bureau of Customs (BOC) na alisin na sa free port ang natitirang 15 container vans na naglalaman ng basura mula sa Canada.
“We’re negotiating with the [BoC] to take all of it out [of the free port]. We don’t want the trash here,” sabi ni Garcia.
Bahagi ang 15 container vands sa 741 container vans na dinala noong Agosto noong isang taon para ma-decongest ang Port of Manila.
“These container vans were considered overstaying [in the Manila port area]. Out of 741 container vans, 41 contained Canadian trash,” dagdag ni Garcia.
Idinagdag ni Garcia na ibinalik ang 18 sa 741 container vans sa Maynila noong isang taon.
Tinatayang 16 sa mga container vans ang nagdudulot ng mabahong amoy, samantalang dalawang iba pa ang naglalalbas ng hindi pa matukoy na likido.
” One of the 18 container vans returned to Manila had Canadian trash,” ayon pa kay Garcia.
Sinabi pa ni Garcia na hiniling noong Hulyo 15 ng BOC na dalhin ang 23 container vans mula sa Canada sa Clark Freeport sa Pampanga.
“We’re going to tell the [BOC] that they send [the remaining container vans] back to Manila. I don’t want [them] here,” ayon pa kay Garcia.
Nauna nang itinambak ng Metro Clark Waste Management Corp. ang mga basura mula sa 26 container vans sa landfill nito sa Capas, Tarlac.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.