Erik, Angeline naduwag, hindi maokray sina Kim, Maja at Xian
NATATAWA na lang ako sa mga pahayag ng ilang legitimate singers tuwing natatanong tungkol sa kanilang reaksiyon about non-singers na nagpa-platinum ang albums at naso-soldout ang tickets sa mga concert.
“Hindi makapag-react nang maayos sina Erik Santos and Angeline Quinto sa mga tulad nina Maja Salvador and Kim Chiu na may kaniya-kaniyang bumebentang album dahil tiyak na patay sila sa ABS-CBN lalo na kay Mr. M (Johnny Manahan) na may hawak sa career nina Maja and Kim.
“Ang drama ng dalawa ay natutuwa raw sila sa albums ng mga ito and in fact ay nakakatulong pa raw sila sa OPM dahil nasu-sustain nila ang sales ng kanilang albums.
Subukan kasi nilang kantiin ang mga taga-Star Magic na silang unang natamaan sa pahayag ni Rhap Salazar at lintek ang aabutin nila kay Mr. M. Ha-hahaha! Baka matanggal pa sila sa ASAP.
Sige nga, i-try lang ng mga taga-Dos ang kampihan si Rhap at baka mawalan sila ng work sa Dos,” ang challenge ng isang kaibigang reporter.
“Tulad ngayon, kailangang-kailangan nina Erik and Angeline ang suporta sa promo ng kanilang nalalapit na concert sa Araneta Coliseum – subukan nilang okrayin sina Maja at Kim at tiyak na wasak sila sa merkado.
Mga duwag ang mga batang iyan, umuurong ang mga buntot dala ng takot sa mga boss nila. “Kaya mahirap talagang tumino ang music industry natin dahil ang may hawak sa mga non-singers na ito ay malalaking TV networks.
Anong laban ng matitinong singers sa kanila, aber? Tulad ng sa ASAP, Dios mio! Puro lip-sync ang ginagawa ng mga artista ng Dos kasi nga karamihan sa kanila ay hindi naman talaga singers.
Pero sila itong nakabilad sa stage, ha. ‘Yung mga tunay na singers, hirap na hirap mag-guest sa kanila. Nakakahiya, di ba?” sabi ng isang kakilala namin.
Well, oks lang naman sana iyon kung minsan-minsan lang napapasok sa mga production numbers ang mga non-singers na ito para sa entertainment aspect ng show, kasi nga mga sikat sila pero kapag ginagawa na nila itong regular, doon na nakakapaghimagsik ng kalooban, di ba? Kailan pa nakakatulong sa OPM at music industry ang mga non-singers, Erik and Angeline? Sa revenues ng kanilang mga albums? Hasus! Alam niyo ba ang mga pinagsasabi ninyo?
Puwedeng kitain ng legit singers iyan basta ba napu-promote sila nang maayos, ’no! Kaya lang paano makakapag-launch ang mga legit singers ng albums nila in shows like ASAP eh, ang priority nila ay mga sarili nilang artists sa show? Pero pag mga Vice Ganda or Daniel Padilla or Maja Salvador or Kim Chiu or Xian Lim ang mag-launch ng album, complete with harness pa sila kung minsan, ginagastusan talaga.
Ganoon ang sistema ngayon kaya talagang hindi makaarangkada ang mga legitimate singers dahil wala silang kapit sa programa nila.
Pati si Xian Lim, may album? Hasus, garbanzos, tomato sauce. Bakit hindi na lang kasi mag-focus sa pag-aartista ang mga iyan.
Gusto kasi nila i-monopolize lahat – hindi pa ba sapat ang mga kinikita nila sa mga pelikula at tv shows nila at pati ang music industry ay gusto pa nilang ibulsa?
Puwede naman nilang pagbigyan ang hilig nila sa pagkanta kahit mga saliwa ang mga live voices nila through some baratillos, fiestas and some personal appearances pero to make them appear like concert artists eh liku-liko naman ang mga boses pag kumanta, tigilan nila tayo, ’no! That’s the height of stupidity! That’s a very big insult sa music industry.
Doon naman sa mga legit singers, make yourself interesting din. It’s not enough that you know how to sing – dress up well, good-grooming din. Make yourself attractive and appealing sa audience ninyo para wala silang masabi.
Lalo na ngayong ang kalaban na ninyo ay mga sikat lang na artistang nagpapanggap na singers – galingan niyo pa. Ilampaso ninyo sila sa stage para matauhan.
Huwag nang patumpik-tumpik pa. Ipakita ninyo sa public na kayo talaga ang mga mang-aawit – don’t adjust to these music morons, ok?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.