Lason na naman: 57 bata isinugod sa ospital dahil sa 'okoy' | Bandera

Lason na naman: 57 bata isinugod sa ospital dahil sa ‘okoy’

Edwin Fernandez - July 17, 2015 - 04:26 PM

COTABATO CITY – Panibagong food poisoning na naman ang napaulat matapos isugod sa opsital ang 57 estudyante matapos kumain  ng okoy na ibinibenta sa labas ng kanilang paaralan sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat Huwebes. Sa ulat  ni Senior Insp. Eisbo Llamanzares, Esperanza police chief,  ang mga biktima ay pawang nasa Grade 4, 5 at 6 ng Ala Elementary Schoool. Dumaing ang mga bata na masakit ang tiyan at ang iba sa kanila ay matindi ang pagtatae dulot ng pagkain ng okoy na nabili nila mula sa tindahan na nasa labas ng kanilang paaralan. “It could be food poisoning because they complained of abdominal pain and vomiting, these are indicators of food poisoning,” ayon kay Llamanzares. Sinabi rin ng pulis na kumuha na rin sila ng sample nang nasabing pagkain at ipinadala sa provincial health office para maeksamin. Ayon pa kay Llamanzares, ngayon lamang nagkaroon ng ganitong insidente nang pagkakalason dahil sa pagkain ng okoy na madalas naman umanong ibinibenta sa mga tindahan at kantina malapit sa eskwelahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending