Singing career nina Vice at Anne di apektado sa pagtataray ni Rhap
BIG deal na talaga ang issue ng non-singers na idinadaan lang sa lip sync pag suppossedly kumanta ng LIVE (dahil nga sa hindi naman talaga sila marunong kumanta – PERIOD!) na binuksan ng young singer na si Rhap Salazar sa social media.
Ang dami nang nag-react – some logical and some disappointing reactions. Kunsabagay, sabi nga nila, kaniya-kaniyang opinyon lang naman iyan kaya sa ayaw at sa gusto natin ay kailangan nating igalang ang bawat opinyon ke taliwas man ito sa paniniwala natin or otherwise.
Someone even say na “walang basagan ng trip”. Eh di, wow! I appreciate Rhap’s courage of sharing his sentiments about his hatred (medyo strong nga lang yung term but sometimes one is forced to use the term “HATE” para magising ang ilang ilusyunado’t ilusyunada riyan who believe they have the talent in singing gayong wala naman talaga silang karapatang, yung iba ay mediocre lang naman ang dating while yung iba naman ay WALEY talaga) on non-singers.
Dati ay hindi naman pinapansin masyado ang isyung ito dahil manaka-naka lang naman ang makakapal ang FEZ na pasukin ang recording business dahil alam siguro nila that they are what we call NON-SINGERS.
Nakakalungkot lang isipin dahil yung iba ay ini-enjoy na ang pag-show sa Araneta Coliseum or SM MOA Arena dala lamang ng malakas na fan-base nila but not because they have the talent for singing.
Dati-rati’y big deal na pag napuno ng matinong singer ang Music Museum – much more pag Araneta na or Folk Arts Theater during our earlier years.
At pag nagka-album ka noon, masuwerte pag nag-gold ang album mo, star ka talaga. Pero para mag-gold, it takes sometime. You have to have a great hit song na talagang kaaya-aya.
Unlike now na paglabas pa lang ng album ng mga NON-SINGERS na ito, two days pa lang gold na – on its first week platinum na. Nakakaloka, di ba?
Yung mga legit singers ay napag-iiwanan na – hindi kasi sila napu-push nang husto ng record companies and TV networks dahil mas kumikita nga naman sila sa mga banong kumanta pero malakas ang hatak sa takilya.
Huwag na tayong magmaang-maangan pa, totoo naman talaga ang sinabi ni Rhap Salazar eh, nakakalungkot ngang isiping itong mga sintunado ang boses ang silang nabibigyan ng break. Malalakas lang talaga ang loob ng ilan sa kanila – or if not masyado silang mga BILIB SA SARILI NILA.
Meron din namang few exceptions dito, like for instance yung kay Anne Curtis na super-cute and novelty ang dating ay pasado na sa amin.
From the very start naman Anne never claimed that she is a singer – siya na mismo ang nagsasabi na ilusyon lang talaga niya ang pagko-concert para mapagbigyan ang hilig niya.
Yung kay Vice Ganda ay oks na rin dahil komedyante siya at kaya niyang dalhin through production value and what not.
Pero sana naman ay alam din ng ibang artists natin kung ano lang talaga ang kakayahan nila – huwag na lang muna tayong mag-name-names – just identify yourselves here.
Kahit alukin pa sila halimbawa ng producers (mapa-album or concert man), ay matuto naman silang tumanggi. Igalang naman kasi nila ang music industry.
Yung iba tiyak na sasabihing bitter lang si Rhap dahil hindi siya nabibigyan ng equal breaks like these singing freaks in this industry (mas strong ang FREAKS kaysa sa HATE, di ba? Ha-hahaha!) May nagsabi nga na kaya di nakakakuha ng ganoong privilege si Rhap dahil hindi raw ito kaguwapuhan. Yung ganoon – lalo na ang bashers niya.
Some of them defend these NON-SINGERS by saying na iyon daw ang demand ng merkado kaya ibinibigay lang ng record producers and concert organizers.
Iyon daw kasi ang binibili eh. Totoo naman iyon eh – there’s really a market, a really huge market kung ihahain mo.
Pag wala ka namang ihahaing ganyan, wala naman isyu at all. Sabi pa nga ni Vice Ganda (referring to the law of supply and demand) ay wala naman daw silang nilalabag na batas.
Maaaring wala nga silang nilalabag na batas ng tao at ng DIYOS pero nilalabag nila ang batas ng MUSIKA.
Ito namang si Ms. Lea Salonga, di yata naintindihan ang punto ni Rhap – iba naman ang naging reaksiyon niya, nilito niya ang kaniyang sarili.
Ang issue on lip syncing na tinutukoy ni Rhap is for non-singers na hindi talaga nakakakanta ng live.
Yung dinadaya o pinaniniwala ang sarili na marunong silang kumanta gayong hindi naman talaga at waley na waley. Yung nadoktor na ang mga boses sa recording.
Iba ang recorded song kaysa sa LIVE. Diyos ko naman Lea, sa taas ng narating mo, nag-react ka pa ng lihis. Hindi naman siya kasali sa isyung iyon dahil alam naman nating lahat that she’s a good singer kaya hindi siya dapat nag-react to defend these non-singer.
Nandoon na tayo, this means business sa mga negosyanteng sabik kumita ng salapi – na tini-take advantage ang kahinaan ng market sa ilang mga artists nilang wala naman talagang karapatang kumanta.
This is truly very alarming to the music industry – huwag na tayong magmaang-maangan pa.
Hindi pa kami tapos sa mainit na isyung ito, dahil halos lahat na lang ay may comment on this.
Kaya itutuloy natin bukas, okey! Ha-hahaha! Gigil na gigil!?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.