Pagtataray ni Rhap Salazar ipinagtanggol ni Gary V | Bandera

Pagtataray ni Rhap Salazar ipinagtanggol ni Gary V

Reggee Bonoan - July 12, 2015 - 02:00 AM

rhap salazar

Nasulat namin dito sa BANDERA kamakailan ang pagtataray ni Rhap Salazar sa non-singers na nagli-lip synch sa telebisyon.

Umani ng batikos si Rhap mula sa netizens at sa ibang entertainment press at sinabing “bitter” lang ang bestfriend ni Jed Madela dahil nga hindi nabebenta ang album niya at wala rin siyang projects ngayon.

Ipinagtanggol ni Gary Valenciano si Rhap at nauunawaan daw niya ang damdamin nito. “Rhap is incredibly young talented singer, siguro napansin lang niya na it’s been happening again and again na nabibigyan talaga ng supposedly non-singers ‘yung pagkakataon na maging singers.

“And to be honest with you, I don’t know how to categorize rin, sabihin natin ‘yung mga non-singers na singers na rin ay naririnig ko rin mismo sa kanila na, ‘Hindi ko nga alam kung bakit ako ang pinili, hindi naman ako singer.’

“So, I know that Rhap is singing something from his own experience perhaps ‘yung iba’t ibang frustrations din niya na he’s really a good singer na kasama siya sa 5th Gen.

“I think he is the reflection of many other singers na nag-aabang lang sa tabi. I think Rhap is reflecting his frustrations because he is not getting any younger, he’s getting older every day, every year, every season, so I understand where is he coming from,” paliwanag ni Mr. Pure Energy.

May punto naman din ang mga pahayag ni Gary, pero naisip din kaya niya na maski na anong push kay Rhap ay hindi rin talaga bumebenta o hindi napapansin ang album niya?

Alam namin na binigyan na siya ng chance noon, pero wala ring nangyari at mas tinatangkilik ng fans o supporters ang mga idolo nilang tinatawag ng iba na singer-singeran. Sabi nga, weder-weder lang ‘yan.

Nataon pa na hindi man lang gumagawa ng effort si Rhap para mabago ang image niya o hindi man lang siya nagle-level up para hindi siya mawala sa sirkulasyon.

Naalala tuloy namin ang sinabi ni Enchong Dee, “Mabait kasi akong tao kaya suportado ako ng mga kaibigan ko kahit hindi ako singer, hindi ako dancer, gusto ko lang magkaroon ng concert kaya natuloy ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending