Sharon, Gary, Jed mas magiging mahigpit sa ‘Your Face Season 2’

By Reggee Bonoan July 12,2015
share this

Sharon, Gary, Jed mas magiging mahigpit sa ‘Your Face Season 2’

By Reggee Bonoan July 12,2015
share this

your face

Anyway, base sa pahayag ni Gary sa ginanap na launching ng Pure Padala na bagong project ng Puregold Price Club, bilang ambassador ay malapit nang umere ang ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar.

Kung hindi kami nagkakamali ay ngayong taon din ito babalik at hindi na sa 2016. Walang mababago raw sa mga hurado dahil sila pa rin ang magkakasama nina Jed Madela at Sharon Cuneta.

“Same judges, same team, same fun, naiba lang ang contestants. Mas bongga pa kasi ‘yung make-up artists alam na nila kung anong dapat gawin, alam na nila ‘yung challenge, so they’ll move forward ahead,” say ng magaling na mang-aawit.

Medyo maghihigpit daw ngayong ikalawang season dahil mas mataas na ang expectations ng manonood. At may payo si Mr. Pure Energy sa mga gustong sumali sa Your Face Sounds Familiar, “You have to know how to sing talaga, kasi dapat hindi natin malimutan na dapat ka-voice nila ang ka-face, so I think that’s something important to remember, it’s not all about entertaining, but it has to be effective and authentic entertaining.”

Oo nga, sa unang season kasi medyo maluwag pa ang mga hurado, pero siniguro ni Gary na magiging mahigpit na sila sa susunod.

Going back to Pure Padala, ito ang latest project ng Puregold at perfect choice si Gary bilang ambassador dahil malapit siya sa OFW. Siya rin ang kumanta ng jingle nito na may titulong “Makakarating”.

Ang PurePadala ay isang innovative, groundbreaking na bagong remittance service na dinisenyo para sa mga Pinoy na naninirahan sa ibang bansa at sa mga OFW, at para sa kanilang mga pamilya dito sa Pinas.

Sa tulong ng Pure Padala, ang perang nireremit ng bawat OFW ay direktang mapupunta sa mga basic at pinakaimportanteng necessities ng kanilang mga pamilya tulad ng pagkain, tuition fees at utilities, loan payments, at puwede rin itong gamitin bilang puhunan sa isang sari-sari store business.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending