DIRETSAHANG inamin ni direk Olive Lamasan na nakapag-shooting for three days ang aktor na si Derek Ramsay para sa latest movie niya for Star Cinema na “The Mistress.”
Si Derek ang unang kinunsider bilang leading man ni Bea Alonzo for “The Mistress” bago si John Lloyd Cruz.
Hindi na rin nagpaliguy-ligoy ng sagot si direk Olive nu’ng tanungin siya kung may kinalaman ang paglipat ni Derek sa TV sa pagkawala niya sa pelikulang “The Mistress” na ipalalabas na on Sept. 12.
Binago raw nila ang script para sumakto kay John Lloyd ang role.
“Oo, siyempre. Ibinagay namin sa kakayanan ng isang John Lloyd Cruz,” sabi ng direktor.
Hindi na raw sila nag-isip ng iba pang leading man ni Bea for “The Mistress” kundi si John Lloyd bagaman madalas na silang nagkasama sa pelikula na pawang box-office hits. “Why not John Lloyd? Best actor ‘yan ng generation niya.
Tsaka kasi ang laki kasi ng dine-demand nu’ng character, nu’ng complexity ng character na ako, I firmly believe that only a John Lloyd should be able to deliver it,” lahad ni direk Olive.
Dagdag pa niya, “Hindi ito ‘yung usual niya na ginagawa. ‘Di ba ang character ni John Lloyd isang lalaki na umiibig.
Dito he portrays someone na may air of arrogance, napaka-aggressive, napaka-spoiled, confident.
May certain degree of discomfort na mararamdaman ka bilang audience kasi parang, ‘Uy, bago.’
Parang hindi ito ‘yung John Lloyd na ine-expect ko.
But eventually, as the film progresses you will be able to embrace the change that you see.”
Bilib naman si direk Olive sa kabaitan at pagiging mahusay na artista ni Bea.
Sobrang naging cooperative raw sa kanya ang aktres even to the most delicate and daring scenes sa “The Mistress.”
“Oo, pero wala namang nakahubad sa movie.
Kasi ang eksena noon parang sinugod niya si John Lloyd, parang ‘yun ‘yung eksena na parang gusto niyang patotohanan na,
‘Sige, kung ganito ang tingin mo sa akin, na ganito ako kababang babae, eto na.
This is how you look at me, o, sige, treat me as one,” esplika pa ni direk.
Hindi rin daw nag-topless si Bea sa movie, “Parang dumaan lang ‘yung kamay ni John Lloyd sa sensitive area ni Bea, ayan.
Napa-oo ko siya (Bea) sa ganoong eksena, ha!” sabi ni direk Olive.
.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.