Angelica hiningi ang sosyal na bag ni Marian | Bandera

Angelica hiningi ang sosyal na bag ni Marian

Ervin Santiago - July 11, 2015 - 02:00 AM

marian rivera

PINATUNAYAN nina Angelica Panganiban at Marian Rivera na hanggang ngayon ay napapanatili nila ang kanilang pagiging mabuting magkaibigan, ito’y sa kabila nga ng mga intriga sa kanilang dalawa.

Magkaiba man ang kanilang TV network, at kahit hindi sila madalas nagkikita at nagkakasama, buong-buo pa rin ang kanilang friendship.

Patunay nito ang mga mensahe a litrato na ipino-post nila sa social media kapag nagkakasama sila sa mga mahahalagang okasyon tulad na lang noong wedding shower ni Marian last year.

Nu’ng Huwbes naman, naging usap-usapan sa social media ang palitan nila ng message sa Instagram kung saan nagkatuksuhan pa ang dalawang aktres tungkol sa bag.

Nag-post kasi si Marian ng isang litrato kasama ang celebrity make-up artist na si Bambbi Fuentes. Nang mabasa ito ni Angelica, agad itong nag-comment at pinuri-puri ang magandang bag ng misis ni Dingdong Dantes na nakasama naman ni Angelica sa pelikulang “One More Try” noon.

Sinagot naman siya ni Marian at tinanong kung gusto ni Angelica ng parehong bag. Nagbiro naman ang girlfriend ni John Lloyd Cruz at nagsabing akala niya ay ibibigay na ng Kapuso actress sa kanya ang magandang bag.

Muling nagbiro si Marian at tinawag pa nito si Angelica ng “Madam Claudia”, ang karakter ng Kapamilya actress sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo.

Nagtapos ang palitan ng mensahe ng dalawang aktres sa pagsasabihan ng “Ingat!” dahil nga sa hindi magandang panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending