Janice tinawag na echosera si Gabby | Bandera

Janice tinawag na echosera si Gabby

Julie Bonifacio - July 10, 2015 - 03:00 AM

JANICE DE BELEN

JANICE DE BELEN

SPEAKING of Janice de Belen, sinamantala na namin ang pagkakataon na kunin ang reaksyon niya sa pag-amin diumano ni Gabby Concepcion na sa rami ng babaeng minahal niya, si Janice ang tinukoy niyang greatest love.

“Echos!” natatawang sabi ni Janice.

Hindi naniniwala si Janice na sinabing ‘yun ni Gabby kaya ayaw niyang magbigay ng reaksyon, “Baka kaya lang niya sinabi ‘yun kasi kaibigan ko ‘yung radio host na nagtanong sa kanya,” sey pa ng aktres.

Granting na ganoon nga, inulit namin kay Janice ang aming tanong, “Echosera siya,” say niya kay Gabby.

Kung siya ang great love ni Gabby, sino naman ang sa kanya? Remember, si Janice lang ang aktres na nakarelasyon ang ilang nagguguwapuhang actor natin sa industrya. Una si Gabby, si Aga Muhlach at ang ama ng kanyang mga anak na si John Estrada. Saan ka pa, ‘di ba?

Tapos nali-link pa siya ngayon kay Gerald Anderson. Magtatataka pa ba tayo kung sakaling magustuhan ni Gerald si Janice? Going back to our question to her, eto ang sagot ni Janice, “Wag na. Ayoko nang balikan ang nakaraan. Past is past.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending