Video scandal ni Baron kalat na; nagwala raw sa isang bar sa Pampanga
MUKHANG magiging kontrobersiyal na naman si Baron Geisler dahil lumabas sa social media ang pagwawala niya sa labas ng isang bar sa Pampanga.
Napanood namin ang isang video na in-upload ng isang Mojahid Abdulmoumen sa Facebook at talagang kitang-kita ang pagwawala ng actor. Halatang lasing din ito habang nagsisisigaw ng kung anu-ano sa kalye. Ang dami ngang taong nakiusyoso kahit na gabi na ang eksenang iyon.
Nagkaroon ng slight confrontation between Baron and the bouncer. Sa isang part ng video, paalis na ang aktor pero may maririnig sa background na nagsabing, “Sira-ulo ka pala, e.” Na ikinabwisit siguro ni Baron kaya bumalik ito sa bar.
Dito narinig ang isang lalaki na nagsabing, “O, sige, tawagin mo. Gusto mo ipapatay mo ako, ipapatay mo ako. Ba’t mo ako tinatakot, dati na akong takot.”
Apparently, ayaw papasukin si Baron sa isang bar dahil nakainom na ito. Doon yata nag-init ang ulo ng actor kaya naman nagsisigaw ito at naghamon ng suntukan. Mabuti na lang at walang pumalag sa kanyang hamon at naging mahinahon ang mga kaaway niya.
Ano kaya ang reaction ni Baron dito? Baron, can we hear your side of the story?
Hindi naman kaya isang eksena lang ito sa ginagawang indie movie o teleserye ni Baron? Pero kung totoo mang may ganitong eksena, ibig sabihin talagang hindi pa rin nakakaiwas sa gulo at iskandalo ang award-winning pa namang aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.