Dennis, Jennylyn bibida sa My Faithful Husband ng GMA
Ngayong Agosto, balik-drama at balik-tambalan ang Kapuso leading lady na si Jennylyn Mercado at drama king na si Dennis Trillo sa upcoming primetime series ng GMA, ang My Faithful Husband.
Siguradong maipapakita at maipapamalas ng seryeng ito ang malakas na on-screen chemisty ng dalawa sa pagganap nila bilang mag-asawang Mel at Emman.
Si Mel (Jennylyn) ay isang palaban pero mabait, mapagmahal, masikap, at may ambisyon na babae. Si Emman (Dennis) ay isang mabuti at mapagmahal na asawa at tatay.
Handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Magiging mag-asawa sina Emman at Mel subalit nang muling makita ni Mel ang dating nobyo, magugulo bigla ang kanyang damdamin.
Parehong excited sina Jennylyn at Dennis na makatrabaho muli ang isa’t isa at sinisigurado nila na magugustuhan ng kanilang fans at ng Kapuso viewers ang kanilang bagong project.
“Sana magustuhan niyo kasi maganda yung istorya nito. Kakaiba siya sa mga dati naming ginawa kaya interesting. Excited akong makatrabaho siya kasi matagal din kaming hindi nagkasama.
Titingnan ko kung paano ang magiging atake namin sa bawat eksena pero I think, comfortable na naman kami sa isa’t isa,” ani Jennylyn.
“Maganda ‘tong show na gagawin namin. Maganda yung kwento, magaling yung mga kasama naming artista, at magaling yung director.
At saka pinaghandaan talaga namin ng husto para buuin ‘tong show namin,” saad ni Dennis.
Makakasama rin sa My Faithful Husband sina Mikael Daez, Louise delos Reyes, Kevin Santos, Jade Lopez, Gerald Napoles, Aaron Yanga, Rexy Evert, Timmy Cruz, Snooky Serna, Noni Buencamino at Rio Locsin.
Mula sa masusing direkyon ni Bb. Joyce Bernal, katulong ang creative director na si Roy Iglesias, creative consultant na si RJ Nuevas, at head writer na si Suzette Doctolero, abangan ang My Faithful Husband sa susunod na buwan sa GMA Telebabad.
Samantala, mas marami ang naniniwala na matagal nang nagkabalikan sina Dennis at Jennylyn, pero ayaw lang nilang aminin in public.
Ang chika, may kasunduan na ang dalawang Kapuso stars na ililihim nila sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.