Bahay ni Kuya ‘nasunog’ dahil sa matinding galit ng netizens
NOW that they are feeling the collective wrath of people on social media ay ang Kamille-Kenzo love angle naman ang pilit na pinaiinit ng Pinoy Big Brother.
Apparently, “nasunog” ang Bahay ni Kuya sa init ng mga tao sa sinasabing KenLey bromance which had the people on social media hitting the show left and right with nasty comments.
Ngayon, pilit na niluluto ang tambalan nina Kamille and Kenzo kahit alam naman ng marami na mayroong karelasyon at anak si Kamille.
Trying very hard ang show para painitin ang Kamille-Kenzo love team dahil na rin sa kaliwa’t kanang batikos na inabot nila mula sa netizens nang sisihin nila ang mga ito dahil binigyan daw ng malisya ang extra closeness nina Kenzo at Bailey.
Very obvious ang attention-switching ng housemate sa Bahay ni Kuya, the way of the show para maibsan ang galit sa kanila ng social media people for putting the blame on them kaya kumalat ang bromance issue sa show.
Dahil nga sa controversial bromance ay napilitan ang PBB na alisin ang livestreaming coverage nito para na rin siguro maiwasan ang kontrobersiya.
Ang dami kasing nag-react sa statement ng Dos wherein sinabi nitong isang pambu-bully ang ginagawa ng netizens kina Bailey at Kenzo when they were putting malice sa kanilang actuations sa loob ng PBB house.
Now, there are reports that fans are petitioning for the return of PBB’s livestreaming. Isang Pepsi Punk daw ang nagpasimula ng petition na ito sa popular website na Change.org.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.