SANA po ay matulungan ninyo ako hinggil sa aking problema ukol sa monthly pension sa Social Security System (SSS).
Nagtataka lang ako dahil mas maliit ang nakukuha kong pensyon kada buwan kumpara sa ibang mga kasamahan ko gayung ako ang may pinakamataas na tungkulin sa mga barkong aming pinagsamahan sa mga kumpanyang aming pinagsilbihan.
Nag-file ako ng aking pension benefit noong 1994 pero inabot ng matagal na panahon bago ito naaprubahan.
Ang katwiran ng SSS-Davao City ay delingkwente raw ang pinagsilbihan kong kumpanya sa loob ng 28 taon.
Lubos na
Gumagalang,
ANTONIO C.
DE GUZMAN
REPY to: Mr. De Guzman’s query:
Ito ay kaugnay sa sulat ni G. Antonio C. De Guzman hinggil sa halaga ng natatanggap nyang buwanang pensyon at ang pagiging delingkwente ng kanyang dating employer.
Ang SSS ay may tatlong formula sa pag compute ng halaga ng buwanang pensyon ng isang miyembro.
Ang magbibigay ng pinakamataas na resulta sa tatlong formula ang siyang magiging halaga ng buwanang pensyon ng miyembro.
Sa pag-compute ng buwanang pensyon, ang lahat ng buwan na nabayaran ng miyembro kasama ng bilang ng taon na naging miyembro siya ng SSS ay kasama sa pag-compute ng buwanang pensyon.
Atin naman talakayin ang hinaing ni G. De Guzman hinggil sa pagiging delingkwente ng kanyang dating employer.
Naiintindihan namin ang kanyang pahayag na hindi dapat ang mga empleyado ang mahirapan sa pag-claim ng SSS benefits bilang resulta ng pagiging delingkwente ng kanilang employer.
Subalit sa pagbibigay ng benepisyo para sa mga miyembro, ang SSS ay nakabase sa halaga at bilang ng kontribusyon ng mga empleyado. Kung walang naka-reflect sa amin na kontribusyon ang isang miyembro, wala kaming magiging basehan sa pag-compute at pagkukunan ng pondo para sa nasabing mga benepisyo.
Para rin sa kaalaman ni G. De Guzman at ng ibang miyembro, ang SSS ay may prosesong sinusunod upang masingil at mapanagot ang mga delingkwenteng employers. Ito ay isa sa mga mahigpit na binabantayan ng pamunuan ng SSS.
Subalit upang aming mas mapaigting ang paghabol sa mga delingkwenteng employer, aming hinihingi ang tulong ng mga empleyado na lagi nilang suriin ang kanilang SSS accounts kung ito ay hinuhulugan ng kanilang employer.
Aming pinapayuhan ang mga empleyado na agad i-report sa SSS ang anumang iregularidad sa paghulog ng kanilang kontribusyon upang ito ay agad naming maaksyunan.
Salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS at nawa’y nasagot namin ang katanungan ng ating claimant.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
Media Affairs Department
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.