Lloydie trip mabago ang image, kaya nagbida-kontrabida | Bandera

Lloydie trip mabago ang image, kaya nagbida-kontrabida

Reggee Bonoan |July 08,2015
facebook
share this

Lloydie trip mabago ang image, kaya nagbida-kontrabida

Reggee Bonoan - July 08, 2015 - 03:00 AM

JOHN LLOYD CRUZ

JOHN LLOYD CRUZ

Off beat roles ang kinahihiligan ngayon ni John Lloyd Cruz dahil kamakailan lang ay gumawa siya ng indie film na entry sana sa 2015 Metro Manila Film Festival, pero hindi nakapasok kaya hinayang na hinayang ang aktor.

Ngayon naman ay kasalukuyan siyang nagsu-shoot ng pelikula kasama si Piolo Pascual sa Sorsogon na si Lav Diaz ang direktor at ang hula ng lahat ay baka abutin daw ito ng limang oras sa sinehan dahil ito raw ang trademark ng direktor.

Ang Ten17P Productions na pag-aari ni Direk Paul Soriano ang producer ng “Hele Sa Hiwagang Hapis” to be distributed ng Star Cinema.

At ngayon naman ay kasama na si Lloydie sa seryeng Nathaniel bilang si Francisco Lucas na isang abogado na nais labanan ang kasamaan ng pamilya nina Paul (Gerald Anderson) at AVL (Coney Reyes).
Sino si Francisco at ano ang kasalanang nagawa sa kanya ng pamilya Laxamana? Paano niya babaguhin ang takbo ng buhay ng lahat, pati na rin ang misyon ng anghel na si Nathaniel (Marco Masa).

Nagsawa na ba si John Lloyd sa mga goody-goody at pa-cute leading man na role at gusto naman niyang maiba ang imahe niya?

Kaya abangan ang Nathaniel sa Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol dahil tiyak na maninibago ang televiewers sa magiging role niya sa programa na pinagbibidahan din nina Shaina Magdayao, Isabelle Daza, Pokwang at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending