MAAARING pinagtatawanan ng ibang mayor sa Metro Manila ang programa ni Navotas Mayor Toby Tiangco na hulihin, pagmultahin o kasuhan ang nagtatapon ng mga balat ng candy at upos ng sigarilyo. Pero sa loob ng tatlong buwan, may 1,135 kataong burara sa kalye ang nahuli. Pinagmulta sila ng P200 hanggang P1,000 at nag-community service. Maaaring konting basura lang ang kanilang itinapon, pero balat ng candy yan at plastic, na di natutunaw. Kapag nagsama-sama ay bara rin yan sa kanal, sapat at ilog. Bara na baha ang dulot na puwedeng pumatay sa mga residente. At kapag nalunod, masasabi bang sanhi ito ng basura na balat ng candy? Kung bara sa daluyan ng tubig ang tingin ni Tiangco sa balat ng candy, mas matindi pa ang tingin dito ng batas sa Singapore. Bukod sa basura, masamang tingnan na may nakakalat na balat ng candy sa lalakaran.
Rodrigo Manahan, BANDERA
100909
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.