Salary loan gustong ayusin | Bandera

Salary loan gustong ayusin

Liza Soriano - July 04, 2015 - 03:00 AM

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Ako si Arturo Lara ng Barrio Binacas, Lubang, Occidential Mindoro at ipinanganak April 24, 1958. Tatlong taon na lamang ay mag-60-years-old na ako at maaari nang makatanggap ng pension fund mula sa SSS.

Noong ako ay nagtatrabaho pa sa AG$P ay nakapag-salary loan ako. Gusto ko sanang malaman kung magkano ang pagkakautang ko sa SSS. Gusto ko sanang maayos na para pagsapit ko sa pension age ay hindi ako magkaproblema. Gusto ko rin sana na itanong kung ilan na ang aking contributions. Sana ay agad na mabigyan ng kasagutan ang aking katanungan sa SSS. May condonation program ba na ipinatutupad ngayon.? Eto ang aking SSS number 03-4…
Salamat.

REPLY: Base sa aming record Ginoong de Lara, ikaw ay mayroon pang loan balance na P19,865.82. Tama ang
iyong desisyon na ayusin na iyong loan bago pa man sumapit ang iyong pension age.

Maaari namang bayaran ng installment ang hindi pa nabayarang loan upang hindi na mag-accumulate pa ng interest at penalty o hindi na lumaki pa ang iyong loan balance.

Asikasuhin agad ang pagbabayad ng iyong loan balance upang pagsapit sa edad na 60 ay hindi na magkaproblema at makuha ng maayos ang
iyong pension.

Lumalabas din na mayroon ka ng 205 kabuuang contributions na pasok na para sa minimum na requirement na 120 months contributions para makwalipika o makatanggap ng monthly pension.

Para sa iyo namang katanungan kung may condonation, hanggang sa ngayon ay wala pang i-pinapatupad ang SSS dahil ang pag-aapruba nito ay magmumula sa dalawang kapulungan ng Kongreso at saka lalagdaan ng Pa-ngulo para sa ganap na implimentasyon nito.

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending