Amnesty program | Bandera

Amnesty program

Susan K - July 03, 2015 - 03:00 AM

KAPAG undocumented o overstaying na ang isang Pinoy sa isang bansa, TNT o “Tago nang Tago” ang tawag sa kanya. Sa Europa naman “walang papel” kung siya ay bansagan.

Maraming Pinoy ang ganito. Ayaw umuwi o umuwi man ay hindi na muli pang makakabalik kaya’t pipiliin na lang na magtiis, magpatagu-tago at maghintay ng amnesty program ng gobyerno.

Ganito ang sitwasyon ng mag-asawang Fred at Becky sa Europa. Halos 10 taon silang ilegal doon at hindi man lamang nakauwi o nakapag-bakasyon sa Pilipinas. Gaya ng marami, hinihintay nila ang pagkakataong magkaroon ng amnesty program doon upang makabalik ‘anya sila at maipagpatuloy ang magandang trabahong natagpuan.

Sa mga panahong lumipas, nakuntento na muna silang gumamit ng makabagong teknolohiya para makausap at makibalita sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Kasama na rin doon ang pagpapadala ng mga gamit o kahit luho sa pamilyang naiwan kapalit ng mahabang panahon na pagkakawalay.

Mabuti na lamang at may ganitong teknolohiya ngayon, at madali nang nakakapag-usap ang mga pamilya na malayo sa isa’t isa.

Dati rati tanging sa sulat lamang nakabantay ang pamilyang naiwan. Maswerte na kung merong tape recorder para makapagpadala ng recorded messages. Pero bago pa rin makarating ang mensahe sa pinaglalaanan ay ilang araw din muna ang bibilangin.

Ganoon sila noon at ganito naman silan ngayon.

Dahil sa bagong teknolohiya, ilang saglit lang ay nakararating na ang maiikling mensahe sa pamamagitan ng mga text messages. Kapag mahaba-haba naman, sa email. Kung kailangang may kuwento at may picture pa, sa social media.

Pero sa kabila ng pinaka-latest na mga gadget ngayon at bilis ng koneksyon saan man sa mundo, hindi pa rin talaga matutumbasan ang personal na pagkikita at pagsasama-sama kung saan mahahawakan, mayayakap at mahahalikan mo ang iyong mga mahal sa buhay.

Magandang balita mula sa Bahrain, ito ngayon ang pinananabikan ng mga kababayan nating ilegal doon. Sila rin ang mga nag-run away sa kanilang mga employer at naghanap ng trabaho doon kahit wala ng legal na papel.
Inanunsyo ng Labour Market Regulatory Authority ng Bahrain ang pagpapalabas ng Amenstry Program na tatagal mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 15, 2015.

Sa ilalim ng program, maaaring makalabas na o makauwi na ang lahat ng ilegal doon na walang multang babayaran sa kanilang Immigration at hindi na rin mahaharap sa blacklisting.

Maaari din gawin nilang legal ang kanilang status of employment at hindi na kailangan pa ang consent mula sa dating employer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tiyak na magandang balita ito sa pamilya ng mga OFW na nasa Bahrain.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending