Angelica inokray-okray si Enchong Dee, tinawag na ‘manlilinlang’
Looking forward kami na mapanood si Enchong Dee sa unang pagsabak niya sa concert scene as a solo performer sa nalalapit na “Dee Tour 2015” niya sa Music Museum sa dalawang magkasunod na Friday, July 3 and 10.
Guests ni Enchong ang co-Star Magic artists niya na sina Xian Lim, Enrique Gil, Rayver Cruz, Gerald Anderson, Melai Cantiveros, Julia Barretto, Joseph Marco at Erich Gonzales.
Nilinaw ng aming source ang nasulat na “pamimilit” daw ni ni Enchong sa mga celebrity friends niya na bumili ng ticket for his concert especially ‘yung pinost ni Angelica Panganiban sa social media.
Ayon sa aming source, nagkasama raw kasi noon ang boyfriend ni Angelica na si John Lloyd Cruz at Enchong sa isang show sa Madrid, Spain. Kaya naging magkaibigan sina Enchong at John Lloyd. Nag-request si Enchong na manood si Lloydie ng concert niya on July 10. Pero kahit hindi makakapanood si Lloydie, bumili na rin siya ng limang tickets.
At dahil kaibigan din niya si Angelica, nagsabi rin si Enchong na bumili ang GF ni Lloydie ng ticket. Sey naman daw ni Angelica, bumili na ng ticket ang boyfriend niya. Sagot naman daw ni Enchong, “Sa July 11 ang ticket niya. Ikaw naman sa July 4.”
Then, nag-tweet daw si Angelica bilang biro niya sa kaibigan, “Enchong, manlilinlang” ayon sa aming source.
Marami pa raw celebrity friends si Enchong na voluntarily ay bumili ng ticket para sa concert niya sa Music Museum. Pati nga raw ang singer na si Jed Madela ay bumili ng ticket, gayundin si Liza Dino na partner ni Aiza Seguerra at kamag-anak din pala ni Enchong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.