2-0 lead puntirya ng Alaska Aces | Bandera

2-0 lead puntirya ng Alaska Aces

Barry Pascua - July 03, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska Milk vs Star
(Game 2, best-of-five semis)

PUNTIRYA ng Alaska Milk ang 2-0 kalamangan kontra defending champion Star Hotshots sa kanilang muling pagkikita ngayon sa Game Two ng best-of-five semifinals ng 2015 PBA Governors’ Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Muli ay ipinakita ng Aces na kaya nilang makabalik sa malaking kalamangan ng kalaban nang burahin nila ang 18 puntos na bentahe ng Hotshots sa first half upang mapanalunan ang series opener, 97-91, noong Miyerkules.

Kung mananalo muli ang Aces mamaya ay puwede nang tapusin ng Alaska ang serye sa Linggo upang makarating sa Finals sa ikalawang pagkakataon sa season na ito. Magugunitang pumangalawa sila sa San Miguel Beer sa Philippine Cup.

Ang Star, na nakarating sa semis matapos na manalo ng dalawang beses kontra Globalport sa quarterfinals, ay nagkaroon ng magandang simula sa Game One. Lumamang sila, 26-16, sa first quarter at 51-36 sa halftime subalit tumukod sila sa second half.

Pinamunuan ng import na si Romeo Travis ang rally ng Alaska Milk nang gumawa ito ng 11 sa kanyang game-high 28 puntos sa third quarter. Naitabla ng Aces ang iskor sa 70-all papasok sa fourth quarter. Sinimulan ng Aces ang final period sa pamamagitan ng 7-0 atake at hindi na hinayaang lumamang pa ang Hotshots hanggang sa pagtunog ng final buzzer.

Nakatuwang ni Travis ang mga guwardiyang sina JVee Casio na gumawa ng 18 puntos at Chris Banchero na nagdagdag ng 10 puntos.

“We asserted our identity in the second half and that gave us a lift,” ani Alaska Milk coach Alex Compton  na umaasang maipagpapatuloy ng Aces ang pamamayagpag na sinimulan nilang gawin sa dulo ng elims na naging dahilan ng kanilang pagiging No. 1 team papasok sa quarterfinal round.

Sumasandig din si Compton kina Calvin Abueva, Sonny Thoss, Cyrus Baguio, Dondon Hontiveros at Vic Manuel.

Ang Star ay nakakuha ng 23 puntos, siyam na rebounds, tatlong steals, tatlong blocked shots at dalawang assists buhat kay Marqus Blakely.

Ang mga locals na nag-deliver para sa Star ay sina Peter June Simon (16), Mark Barroca (15) at James Yap (13). Subalit si Yap ay nalimita sa tatlong puntos lamang sa second half matapos na magtala ng sampu sa first half.

Umaasa si Star coach Tim Cone na makakabawi ang Hotshots sa Game Two upang maibaba ang serye sa best-of-three. Nais ng Star na mapanalunan ang ikatlong sunod na Governors’ Cup championship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang magwawagi sa seryeng ito ay makakatunggali ng mamamayani sa serye ng San Miguel Beer at Rain or Shine sa best-of-seven championship round.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending