MAGKAKASUBUKAN sa mas mahabang distansya ang mga triathletes sa pagsambulat ng Unilab Active Health Tri United I ngayong Linggo sa Playa Laiya sa San Juan, Batangas.
Matinding tagisan ang magaganap sa male elite dahil sa paglahok ng mga dekalibreng triathletes sa pangunguna nina 2015 Southeast Asian Games veteran Jonard Saim, John Chicano, Benjamin Rana at August Benedicto.
Ang karera na inorganisa ng Bike King at handog ng Unilab Active Health ay katatampukan ng dalawang distansya na 2km swim, 60km bike at 15km run long distance at 750m swim, 20km bike at 5km run sprint distance.
Nasa 800 triathletes ang kasali at dahil mahalaga ang kaligtasan ng mga kalahok kaya’t isinara ang mga kalsada na gagamitin sa bike at run leg.
Tanging sa elite category lamang magkakaroon ng cash prize na P10,000, P6,000 at P4,000 sa unang tatlong tatapos.
Ang ibang paglalabanan ay sa mga Age Group categories at may mga gift packs na maiuuwi ang unang tatlong tatapos.
Tumulong para maisagawa ang karerang ito ng ULAH, Landco, Enervon Activ, Hydrite, Enervon HP, ORBEA, Pocari Sweat, Saucony, TIMEX, Playa Laiya, WeatherPhilippines, SwimBikeRun.ph, Multisport Magazine, RaceDay Magazine at Spin.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.