Ricky Reyes itinanggi ang akusasyong diskriminasyon | Bandera

Ricky Reyes itinanggi ang akusasyong diskriminasyon

Leifbilly Begas - July 02, 2015 - 01:50 PM

ITINANGGI ng kompanya ng kilalang hair stylist na si Ricky Reyes na sinibak nito sa trabaho ang isang empleyado dahil nagpositibo ito sa HIV. Sa isang pahayag, sinabi ng Ricky Reyes Corp., na hindi totoo ang akusasyon na ibinibintang ni Renato Nocos, dating empleyado ng Gandang Ricky Reyes Salon. “There has never been a case of such experienced by the Ricky Reyes Group of Companies for the past four decades in the business. So in the highest degree of respect to persons, we will not allow such actions whether it comes from the management or up to the rank and file to allow such discriminations to occur,” saad ng kompanya. Noong 2013 pa umano nadiskubre ang sakit ni Nocos at ipinaalam niya ito sa kompanya. Pumayag ang kompanya na siya ay mag-sick leave at patuloy na nakatanggap ng kanyang buong buwanang sahod. Makalipas ang anim na buwan ay pumunta umano si Nocos sa head office dala ang kanyang medical certificate na nagsasaad na siya ay maaari ng makabalik sa trabaho. Itinalaga siya sa Espana, Manila subalit muli siyang nagkasakit at nag-sick leave ng tatlong buwan.  Binayaran siyang muli ng kompanya ng kanyang sahod. “He reported back to the salon branch, his illness has been on and off and  sad to say, the salon was not doing good since it started  business, so management decided to close shop,” saad ng kalatas. Ang mga naapektuhang empleyado ay hinanapan ng mga mapapasukan sa ibang branch. “…it was best for Mr. Renato Nocos to recuperate and have complete rest until such time that we could hire him again. But Mr. Nocos demanded to still have his salary in full which management declined. But then the company waited for him to report back which he never did.” Sa kanyang alegasyon, sinabi ni Nocos na siya ay sinibak sa trabaho noong Pebrero 28, 2014, dahil siya ay may HIV. Naghain ng kaso si Nocos noong Marso 3, 2014, laban kay Reyes at Tonette Moreno, vice president ng kompanya, sa National Labor Relations Commission. Reklamong illegal dismissal, underpayment ng sahod at mandatory 13th month pay, hindi pagbibigay ng holiday pay at separation pay at diskriminasyon. Nagreklamo rin si Nocos laban sa dalawa dahil sa hindi umano pagbabayad ng premium ng Social Security System at PhilHealth mula ng magtrabaho siya roon noong Hulyo 16, 2003.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending