Sure na raw: Bong tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 | Bandera

Sure na raw: Bong tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016

Julie Bonifacio - June 28, 2015 - 02:00 AM

bong revilla

BORN again Catholic ang pronouncement ni Sen. Bong Revilla kung paano ide-describe ang kanyang religious faith ngayon. Balitang-balita kasi ang pagiging malapit sa Diyos ng senador at ang pagbabasa niya ng Bibliya sa loob ng kanyang kwarto sa PNP Custodial Center.

Meron daw ginaganap na Bible study doon with his guests and family na dumadalaw sa kanya sa PNP. At the same time, uma-attend pa rin daw ng misa si Sen. Bong every Sunday na ginaganap sa PNP or kapag nagpapa-misa ang ina ni Sen. Jinggoy Estrada, na si Dra. Loi Ejercio gaya na lang daw noong Father’s Day.

That was the second time na nag-celebrate sina Bong at Jinggoy ng Father’s Day sa loob ng PNP. Saktong isang taon nu’ng pumasok sila sa PNP couple of days before the celebration of Father’s Day last year.

That time syempre, hindi pa masyadong nananamnam ng dalawa ang lungkot na nakakulong sila sa Araw ng mga Ama. Mas mataas pa ang tensyon noon sa kanila dahil sa galit at in denial sa pagkakakulong nila.

This year, sobrang na-appreciate raw ni Sen. Bong ang okasyon dahil sa kabila ng kalagayan niya, kumpleto pa rin sila ng pamilya niya at ‘di siya kinalimutan sa espesyal na araw ng mga ama.

No wonder may nagsabi sa amin na mas pumogi pa raw si Sen. Bong ngayon. Lumalabas daw sa mukha nito ang aura na punung-puno siya ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya.

Pero syempre, gustung-gusto na rin ni Sen. Bong na bumalik sa normal ang buhay niya at ng kanyang pamilya.Ayon sa aming source, mukhang interesado si Sen. Bong na makagawa ng pelikula habang nasa loob ng PNP.

Walang nakikitang dahilan ang aming source para hindi ‘yan magawa ng mister ni Cong. Lani Mercado dahil kahit si Robin Padilla ay nakapag-shoot ng movie habang nakakulong noon sa Muntinlupa.

Sa true lang, nakaka-miss ding mapanood sa Metro Manila Film Festival si Sen. Bong. For sure, ganoon din ang feeling niya kaya siguro nasabi ng aming source na baka gumawa ito ng movie sa loob ng PNP Custodial Center.

Heto pa, ayon din sa aming very reliable source, abangan daw ang nalalapit na filing of candidacy ng mga tatakbo sa 2016 election. Nadulas ang aming source tungkol sa planong pagpa-file ng kanyang candidacy si Bong bago ang deadline sa darating na Oktubre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meaning, tatakbo ulit si Sen. Bong sa susunod na halalan, and this time, for a higher position. Last term na kasi niya ngayon bilang Senador. If true, would it be a Grace Poe-Bong Revilla tandem? Or Jejomar Binay-Bong Revilla? Manny Villar-Bong Revilla?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending