Julie Anne sa buntis isyu: Grabe ‘yun, nakakahiya talaga kay Coco Martin!
Speaking of gulat, nagulat at nagtaka man daw ay inisip na lang ni Julie Ann San Jose na bahagi na nga siguro ng mga tsismis sa showbiz ang manira ng kapwa.
“Siguro po kung hindi ako laging nakikinig at sumusunod sa mga parents ko at kung mahina ang loob ko, baka pumatol na ako sa mga tsismis na yan,” sey ng napakaseksi na ngayong singer-actress.
Pinagtawanan na nga lang daw nila ang kumalat na chika na buntis siya at si Coco Martin pa raw ang ama. Meron pa nga raw video na magpapatunay nito ayon sa balita, pero sey ni Julie Anne, dedma na lang sila.
“Nakakahiya po du’n sa tao dahil personally, hindi po kami magkakilala. Of course famous siyang tao, pero never po kaming nagkaroon ng chance na magkakilala. Yung mga ganu’ng tsismis, kung mahina ka, maaapektuhan ka talaga,” paliwanag ng dalaga.
Katatapos lang gumawa ni Julie Anne ng album produced by an American music label. Ipinapanood sa amin ang music video ng bago niyang single na “Tidal Wave” na in fairness, tunog at aurang banyaga.
Mga American artists ang kasama ni Julie Anne sa video kung saan makikita siyang nag-skateboard, naka-jeans at crop top lang habang sumasayaw, umaarte at kumakanta. “I’m proud of this one dahil I got to work with a lot of people in great teams, tapos they were so nice to me.
Sobra silang accommodating,” hirit pa nito. Sa nakikita naming ganda, talent at disiplina sa trabaho ni Julie Anne, feel naming bagay na bagay silang maging magka-loveteam ni Alden Richards sa serye at pelikula. May magic sila together.
Believe me kapatid na Ervin at mga ka-Bandera sa feeling kong ito! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.