MMDA chair pinagbibitiw; nasa probinsya habang trapik sa MM | Bandera

MMDA chair pinagbibitiw; nasa probinsya habang trapik sa MM

Leifbilly Begas - June 24, 2015 - 02:36 PM

FRANCIS TOLENTINO

FRANCIS TOLENTINO


Pinagbibitiw ng isang solon si Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino na bumibisita sa iba’t ibang probinsya habang buhol-buhol ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.
Sinabi ni BUHAY Rep. Lito Atienza na kung gusto ni Tolentino na mangampanya ay makabubuti kung magbibitiw na lamang ito.
“Inutil na ang hepe ng MMDA, kaya mistulang inutil na rin ang buong ahensya!” ani Atienza. “Kung di na niya kayang gawin ang trabaho at gusto na lang mangampanya, wala nang dahilan para manatili pa siya sa pwesto.”
Napapabalita na posibleng tumakbo si Tolentino sa pagkasenador sa 2016 elections.
Kamakalawa ay napabalitang pumunta si Tolentino sa Daet, Camarines Sur at dumalo sa isang pista. Isang patrol car ng MMDA ang namataan din sa lugar. “Lantarang paggamit na ng pondo yan ng gobyerno para isulong ang pansarili niyang interes,” ani Atienza. “Araw araw nagsasakripisyo ang taumbayan sa problemang dulot ng traffic. Pati ekonomiya apektado na pero personal na interes na ang umiiral kay Tolentino.”
Bumisita rin umano si Tolentino sa Davao at Pampanga.
“Be fair to the public. You want to run in higher office, magresign na kayo,” dagdag pa ng solon.
Sinuportahan naman ni 1BAP Rep. Silvestre Bello III ang pahayag ni Atienza na dapat magbitiw sa kanilang appointive position ang mga tatakbo sa susunod na halalan upang hindi nila magamit ang kanilang ahensya at pondo ng gobyerno sa pamumulitika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending