Bong, Lani ayaw makialam sa kasal nina Jolo at Jodi | Bandera

Bong, Lani ayaw makialam sa kasal nina Jolo at Jodi

Julie Bonifacio - June 24, 2015 - 02:00 AM

bong revilla

NAGLABAS ng open letter si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla para sa kanyang ama na si Sen. Bong Revilla sa kanyang social media account. Doon pinuri niya ang kanyang ama sa pagiging matapang nito at ‘di pagsuko sa mga pagsubok.

Dahil dito kaya mas lalong naging proud si Jolo sa kanyang ama. Gusto raw niyang ipaalam ito sa buong mundo kaya inilabas niya ang kanyang personal letter sa kanyang Papa Bong.

“In this special occasion, I pay tribute to you Papa. For with the love and undying support not only of mom and us your children but of the Filipino people you deserve to be happy,” lahad ni Jolo sa sulat.

At the same time, humingi rin ng sorry si Jolo sa kanyang tatay for his shortcomings. “I will pray that vindication and resiliency will be so soon; all will be over and yo will be back home…

Ang haligi ng tahanan ay hindi basta magigiba dahil ito ay pinatatag ng pagmamahal ng Sambayanang Pilipino,” nakasaad pa sa open letter ni Jolo.

Personal ding binati ni Jolo ang kanyang ama sa loob ng PNP Custodial Center kasama ang anak na si Gab ayon kay Cong. Lani Mercado na nakausap namin kamakailan. Doon daw sila nag-celebrate ng Father’s Day.

Maaga pa lang ay nasa PNP na si Lani at ang mga anak nila ni Sen. Bong except for Brian na nasa US. Nag-aaral sa Oxford University si Brian ng Christian Apologetics na inaral din noon ng controversial na si Hayden Kho.

Nasa PNPCC din ang isa pang anak ni Sen. Bong na si Luigi. In fairness sa mag-asawa, maayos ang buhay ng mga anak nila sa kabila ng kinakaharap nilang mga problema.

Si Bryan nasa Oxford University, si VG Jolo will run again for his second term at si Inah Revilla-del Rosario ay nagbalik sa pag-aaral ng Law sa Ateneo University de Davao.

Sa Davao na naka-base ngayon si Inah at husband niyang si Vincent del Rosario na siyang nag-aasikaso ng family business nila doon. May wedding na pinuntahan si Inah sa Manila at sakto na Father’s Day kaya na-greet niya personally ang ama.

Ang pang-apat naman nilang anak na si Gianna ay one year na lang sa St. Benilde’s College sa kurso niya na Human Resource. While the youngest girl sa family na si Loudette ay first year college sa Ateneo University with a course on Life and Science.

At ang bunso naman sa pamilya na si Ram ay fourth year high school ngayon sa Zobel de Ayala. Next year wala na raw siyang high school student. Lahat na ay looking for their own careers in the future.

Kaya sabi niya sa amin, happy na raw talaga sila ni Sen. Bong sa kanilang anim na anak. Ayaw na ni Lani na magka-baby pa although ayon sa kanyang OB-Gyne, e, keri pa niyang magbuntis at ‘di naman bawal ang conjugal visit kay Sen. Bong.
“Pero hindi na. The factory is closed,” diin niya.

Ang tatlong apo na lang daw ni Cong. Lani ang mga “babies” niya. Isa kay VG Jolo na si Gab at dalawa kay Inah, sina Alexa and Iñigo. “Nao-overwhelm ako sa Lord. Binigay ko na sa Kanya lahat ng problema namin, e.

Our faith is being tested at pinapatatag kami ng Panginoon,” lahad ni Lani. Magpa-file rin si Cong. Lani ng kanyang candidacy as Mayor sa Bacoor, Cavite. May mga nagsasabi na keri raw ni Lani na tumakbong senador.

Pero definite na si Cong. Lani na sa pagka-Mayor tumakbo. “Noong maaksidente si Jolo doon ko na-realize na it’s a sign na kailangan nakatutok pa rin ako sa kanila. Ayaw kong mawalan ng anak.

Medyo mabigat na ‘pag national. Baka mawalan ako ng time sa mga anak ko. At syempre, si Bong pa. Kailangan nandiyan din ako sa tabi niya. Kaya huwag ko munang istresin ang sarili ko,” paliwanag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong namin ang aktres kung may balak na bang magpakasal si Jolo at girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria. Matagal na rin naman silang magkarelasyon at mukhang tapos na ang annulment case ni Jodi sa ex-husband niya na si Pampi Lacson.

“They’re both adults naman kaya sila na ang makakapag-decide niyan. So far, okey sila. Well, sana nga, magtagal sila,” sambit pa ni Cong. Lani.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending