Bong, Jinggoy 1 taon na sa kulungan; tiis pa more
SIYEMPRE binati rin namin ang mga mahal naming senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla ng “Happy Father’s Day” noong Linggo dahil alam nga naming nakatutok ang mga ito sa “Chismax” program namin sa DZMM.
Medyo hindi lang namin sure ang totoong emosyon ng dalawang senador that day dahil noong Linggo rin kapatid na Ervin ang eksaktong unang taon nila sa kulungan.
Imagine, ganu’n na pala kahabang panahon ang tinitiis nilang kalungkutan sa piitan nila sa Camp Crame? Well, sa tindi naman ng suporta ng mga kapamilya at kaibigan nila na lagi silang dinadalaw at pinasasaya eh, napupunuan naman kahit paano ang lungkot nila di ba Nanay Lolit Solis at Nay Cristy Fermin?
We are praying na very soon ay matapos rin ang paghihirap nila. Ang mahalaga ay matapang at magiting nilang hinaharap ang lahat ng mga dagok at pagsubok sa buhay. Hindi naman nagkakasabay-sabay ang grasya at hustisya, pero pasasaan ba’t makakamtan din nila ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.