Pangungutang ang ikinabubuhay (2)
Sulat may kay Liza ng Coog, Mandug, Davao City
Problema:
1. Hirap na hirap kami sa ngayon sa dahil baon kami sa utang, ang prolema kung hindi naman kami mangungutang, hindi kami makakaraos sa araw-araw. Ang nangyayari tuloy lalo kaming nababaon sa mga pagkakautang. May trabaho naman ang mitser ko kaso kapos ang kanyang suweldo bilang driver sa aming pang araw-araw na pangangailangan, lima kasi ang anak namin.
2. Ako naman ay nag-aaplay ng trabaho para makatulong sana sa aking mister hindi naman ako matanggap tanggap kahit katulong na nga lang ang pinapasukan ko. Sana po sa pamamagitan ng inyong kolum malaman ko ang paraan kung paano kami makakaahon sa mga pagkakautang at kung paano namin mapauunlad ang aming pamilya? July 14, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Liza ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing kung hindi ka lalayo sa sinilangan mong bayan, walang mangyayari sa inyong buhay. Kaya nga tulad ng nasabi na sa Cartomancy at Palmistry, walang dapat gawin kundi ang mag-aplay sa abroad o dili kaya’y mag iba kayo ng probinsiyang tinitirahan upang makaiwas sa mga pagkakautang at tuluyan na ring umangat ang inyong kabuhayan.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing susuwertehin ka sa ibang bansa, kung sa ngayon ay mag-aaplay ka na, kung saan, sa taon ding ito ng 2015 sa edad mong 32 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Luscher Color Test:
Upang lalo ka pang palarin saang lugar ka man mapunta o mapadpad lagi kang magsuot ng kulay na berde at dilaw. Sa nasabing kulay mas mabilis na masusungkit ang tagumpay sa larangan ng materyal na bagay.
Huling payo at paalala:
Liza ayon sa iyong kapalaran kung mananatili ka diyan sa Davao, walang mangyayari sa inyong buhay, bagkus lalo ka lang mababaon sa mga pagkakautang. Kaya nga ngayon mo na dapat gawin at ipatupad ang pag-aaplay sa abroad o ang pangingibang bansa. Sa ganyang paraan tulad ng naipaliwanag na, makakasumpong ka ng isang maligaya at maunlad na buhay hanggang sa unti-unti na kayong makaahon sa mga pagkakautang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.