Cedric Lee kinasuhan ng graft | Bandera

Cedric Lee kinasuhan ng graft

Leifbilly Begas - June 22, 2015 - 04:02 PM

cedric lee
Kinasuhan sa Sandiganbayan ang kontrobersyal na si Cedric Lee kaugnay ng maanomalya umanong pagbabayad sa kanya sa palengke na hindi naitayo.
Bukod kay Lee, sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng Office of the Ombudsman, si Angel Peliglorio na dating mayor ng Mariveles Bataan.
Ayon sa reklamo, pumasok umano sa kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Mariveles at Izumo Contractors Inc., para sa pagpapatayo ng palengke noong Maros 27, 2005.
Nagkakahalaga ng P14 milyon ang proyekto ng Izumo na pagmamay-ari ni Lee.
Pinayagan umano ni Peliglorio ang pagbibigay ng advance payment sa kompanya ni Lee na paglabag sa rules ng Commission on Audit. At hindi umano natuloy ang pagtatayo ng palengke.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa sa bawat akusado.
Pahaharapin namang testigo ng prosekusyon si Mayor Jesse Concepcion at ang branch manager ng Land Bank na si Marcelina de Lara.
Si Lee ay dawit sa pambubugbog sa aktor at TV host na si Bong Navarro sa Ritz Condominium sa Makati City noong Enero 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending