Pangungutang ang ikinabubuhay | Bandera

Pangungutang ang ikinabubuhay

Joseph Greenfield - June 22, 2015 - 02:24 PM

Sulat mula kay Liza ng Coog, Mandug, Davao City

Dear Sir Greenfield,

Hirap na hirap kami sa ngayon sa dahil baon kami sa utang, ang problema kung hindi naman kami mangungutang, hindi kami makakaraos sa araw-araw. Ang nangyayari tuloy lalo kaming nababaon sa mga pagkakautang. May trabaho naman ang mister ko kaso kapos ang kanyang suweldo bilang driver sa aming pang araw-araw na pangangailangan, lima kasi ang anak namin. Ako naman ay nag-aaplay ng trabaho para makatulong sana sa aking mister hindi naman ako matanggaptanggap kahit katulong na nga lang ang pinapasukan ko. Sana po sa pamamagitan ng inyong kolum malaman ko ang paraan kung paano kami makakaahon sa mga pagkakautang at kung paano namin mapauunlad ang aming pamilya? July 14, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Liza ng Davao City
Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Ayon sa malinaw na Travel Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, wala sa kasalukuyan mong lugar, kundi nasa malayong lugar ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Ibig sabihin sa pakikipagsapalaran sa malayong bayan, maaaring pag-aabroad o paglipat ng probinsiya, doon mo makakamit ang isang maligaya at maunlad na pamumuhay.

Cartomancy:

Seven of Clubs, King of Clubs at Five of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong ito ng 2015, sa buwan ng Hulyo, dapat mo nang ipatupad ang paglayo sa sinilangan mong bayan, upang magsimula na rin ang iyong mabilis at tuloy-tuloy na pag-unlad hanggang sa tuluyang makaahon sa mga pagkakautang.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending