Young actor sinugod, sinampal ng ex-GF na aktres
How true ang chismax na sinugod at sinampal ng isang kilalang aktres ang isang hunk actor matapos daw nitong sabihin na ang aktres lang ang nag-iilusyon na naging magkarelasyon sila. Marami nga raw ang nagulat sa ginawa ni actress nang puntahan nito sa isang location ang hunk actor (read: tagpuan ng mga common friends nila) na nagyayabang pa raw that time sa kanyang bagong lovelife. Pero siyempre, na-shock si hunk actor sa pagsugod ni aktres, lalo na nang sampalin siya nito na parang isang eksena sa teleserye. A witness or two confirmed na walang nagawa si hunk actor at nag-sorry na lang daw ito sa actress na napakasosyal palang magalit. Hindi naman daw nag-iskandalo roon si aktres, matapos niyang sampalin ang dating boyfriend ay mabilis din itong umalis. Nag-ending raw sa inuman ang lahat pero sa mata ng maraming nakasaksi at nakabalita ay lumabas ngang mahangin at sinungaling itong si hunk actor! May magsalita pa kaya sa ex-showbiz couple na ito on their said falling out after the alleged incident o ikurek kaya ni hunk actor ang kanyang sarili sa susunod na interview niya? Abangan na lang natin ang next episode!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.