D-League Finals sweep asinta ng Hapee | Bandera

D-League Finals sweep asinta ng Hapee

Mike Lee - June 22, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
3 p.m. Hapee vs Café France
(Game 2, best-of-three Finals)

KUMPLETUHIN ang magarang pagbabalik sa basketball ang gagawin ngayon ng Hapee sa pagharap uli sa Café France sa Game Two ng 2015 PBA D-League Foundation Cup finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ganap na alas-3 ng hapon magsisimula ang laro at tiyak ang mainit na suporta mula sa kapanalig ang tatanggapin ng Fresh Fighters para makumpleto ang 2-0 sweep sa best-of-three series.

Galing ang bataan ni Hapee coach Ronnie Magsanoc mula sa 83-72 panalo sa Game One at nangyari ito nang gumana ang laro ng koponan sa second half.

Si Chris Newsome ay mayroong 18 puntos pero malaking bagay ang pagbabalik nina Earl Scottie Thompson, Troy Rosario at Baser Amer na nagsanib sa 32 puntos para mapalakas ang opensa.

Inaasahang mas titindi ang makikitang laro kina Thompson, Rosario at Amer dahil nakapagpahinga na sila. Ang tatlo ay nakasama sa men’s basketball team na nagwagi sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Si Ola Adeogun, na may 12 puntos ngunit hindi nakapaglaro sa second half bunga ng leg injury, ay inaasahang nasa maayos na kondisyon na rin.

Sa kabilang panig, inaasahang pinag-aralang mabuti ng Bakers ang mga pagkakamali na ginawa sa Game One upang masayang ang magandang ipinakita sa first half.

Isa sa tiyak na ilalabas ngayon ng koponan ni Café France coach Edgar Macaraya ay ang mas magandang depensa para mapigil ang mga kamador ng Hapee.

Dapat ding manumbalik ang dating impresibong numero nina Maverick Ahanmisi at Rodrigue Ebondo na nalimitahan sa single-digits at nagsanib sa mahinang 12 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending