Janella Salvador, Jerome Ponce naka-jackpot sa MMFF
Isa sa mga napili as official entries sa Metro Manila Film Festival this year ang pelikulang “Haunted Mansion” na pagbibidahan nina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce.
Kung hindi kami nagkakamali, this is the first time na magkaka-movie si Jerome sa MMFF. This movie will reunite him kay Janella na dati niyang sister sa top-rating morning drama series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.
May kanya-kanya ng drama series ngayon sina Janella at Jerome although pwede rin talaga silang naging loveteam, huh! Nasa Oh, My G! si Janella at nasa afternoon teleserye naman si Jerome, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.
Kay Jane Oineza naman pini-pair si Jerome sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na nahaharap ngayon ang kanilang mga karakter sa serye sa malaking hamon.
Sa paningin ng ina ni Jane (Corrine) sa NKNKK na si Vina Morales (Cecilia) ay nagtanan na sila ni Jerome (Ryan). Dahil d’yan, mapipilitang magsama sa isang bahay sina Jane at Jerome.
Abangan ang kahihitnatnan nang pagsama ni Jane kay Jerome sa condo nito at kung ano ang magiging rekasyon ng mga taong nakapaligid sa kanila sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita this week pagkatapos ng Flordeliza sa Kapamilya network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.