Sey ni Ryan sa pagbubuntis ni Juday: ang sarap! handa na 'ko sa round 3! | Bandera

Sey ni Ryan sa pagbubuntis ni Juday: ang sarap! handa na ‘ko sa round 3!

Ervin Santiago - June 22, 2015 - 02:00 AM

judy ann santos

KUNG excited na si Judy Ann Santos sa bagong baby na ipinagbubuntis niya, doble raw ang excitement na nararamdaman ni Ryan Agoncillo. Todo ang pag-aalagang ginagawa niya ngayon sa asawa dahil mas hirap daw itong magbuntis ngayon.

Nakachika ng ilang entertainment reporters si Ryan sa press launch ng first cook book ni Juday, ang “Judy Ann’s Kitchen”, talagang nagpunta roon ang TV host para suportahan ang kanyang misis sa bagong proyekto nito.

“Ayos, sarap!” ang unang reaksyon ni Ryan nang tanungin tungkol sa pagdadalang-tao ni Juday. Biro pa nga nito, “Round three, okey ako, ha? I welcome round three.”

Sey pa ni Ryan, mas hirap si Juday ngayon kesa noong ipinagbubuntis nito si Lucho, “Yun nga ang sinasabi niya. Ngayon raw ay mas mabigat. I think, maganda naman yung disposisyon niya lagi, e.

“So whether mabigat o hindi, kaya naman niyang dalhin. Pero nandito pa rin kami sa pag-abang sa paglilihi, kasi I think in a few weeks, lalabas na yun,” aniya pa.

10 weeks na ang baby sa tiyan ni Juday at inaasahan ni Ryan na mas magiging sensitibo pa ang kundisyon ng asawa sa darating na mga buwan kaya hinahanda na niya ang sarili para maalalayan si misis.

“Ano, the usual trabahong asawa. Di ba, kailangang paghandaan? So as long as she’s secure sa kinalulugaran niya, I think we don’t have to worry much.

Right now, shes okay pa naman, wala pa yung sinasabi nilang changes sa isang buntis. “Wala pa namang mood swings, lagi lang ‘yan nakangiti,” chika pa ni Ryan.

Naikuwento rin ng Eat Bulaga host na super excited na rin ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho sa paglabas ng bago nilang baby, “Oo, every morning kini-kiss niya lagi yung tummy ng mommy niya.

Well, I’m happy to know, na welcome change ito sa kanila ni Yohan.”  Tungkol naman sa magiging pangalan ng baby, “May mga pangalan na naka-line up, but we haven’t pinned down anything yet.

Kahit kaninang umaga, nag-uusap kami, hindi pa rin kami sure, kung ano, e. Siguro, in the next few weeks, may mabubuo naman nang idea. Let’s see, sa ngayon ang concentration namin ay yung maging healthy ang bata, at maging ang pregnancy niya.”

Nu’ng Sabado, magkasamang nagpunta sina Juday at Ryan sa Open Kitchen: The Best Kept Recipes of the Stars na ginanap sa UP Town Center Amphitheater sa Quezon City nitong weekend.

Nagluto ang mag-asawa ng kanilang ipinagmamalaking recipes sa nasabing celebrity food bazaar sa harap mismo ng mga taong nakisaya sa event.

Ito’y bilang bahagi pa rin ng promo ng kauna-unahang cook book ni Juday na “Judy Ann’s Kitchen” na mabibili n’yo na sa mga bookstores.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging matagumpay ang Open Kitchen: The Best Kept Recipes of the Stars at marami ang nagre-request na sana’y maging regular event na ito sa malalaking shopping malls nationwide para mabigyan din ng chance ang iba pa nating mga kababayan na ma-enjoy ang best kept recipes ng ating mga paboritong artista.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending