Vilmanians nagwala sa galit, Gawad Urian Award ni Ate Guy kinuwestiyon
NAKAKALOKA ang ilang onion-skinned Vilmanians na nagwawala raw ang kalooban dahil ang Superstar na si Ms. Nora Aunor ang binigyan ng Life Achievement Award ng Gawad Urian at hindi ang idolo nilang si Vilma Santos.
Katwiran ng Vilmanians, di hamak daw na mas maraming nagawang pelikula ang lola Vilma nila as compared kay Mama Guy. Di talaga nag-iisip ang ilang fans ni Vilma, ang akala pala nila ay puwede ka nang gawaran ng Lifetime Achievement Award sa Urian pag marami kang nagawang pelikula – iyon pala ang sukatan nila.
Nakakatawa, di ba? Now I know. Ha-hahaha! Mga komedyante rin talaga ang ilang Vilmanians (hindi ko nilalahat, ha!) just like their idol na echoserang frog to its high limits din, di ba?
Magaling mambola – kahit sa politics ay eklayera talaga siya, mahusay magpaikot. Kesyo di na raw tatakbo – hindi sure na tatakbo, pero nasaan ka at hayun, nakatatlong termino sa pagka-gobernador at maaaring sumunod na riyan ay pagiging senador or what.
Ang latest drama pa nga niya ngayon ay baka mag-retire na raw siya sa politics at magku-concentrate muna sa showbiz na sobrang na-miss daw niya.
Ows? Sabi pa niya dati in one interview na mas malaki ang kita niya sa pag-aartista and product endorsements kaysa sa politics – MALAKING OWS? Mamatey?
Hey, Vilmanians – mag-isip-isip nga kayo. Maghintay kayo ng tamang oras para sa idolo niya to get a slice of the cake. Huwag kayong magsintir kung naungusan ni Nora si Vilma dahil ever since naman talaga, Nora was and will always be the biggest star this country has ever produced in its entire history.
Ganoon kaliwanag iyon. Vilma just rode sa kaniyang popularity when Nora became the biggest star. Sumikat lang si Vilma nang magsimulang magningnging ang bituin ng Superstar.
Iyon ang huwag ninyong kalimutan. At hindi ito padamihan ng nagawang pelikula, ang ginagawaran dito ay ang alagad ng sining na nakapag-contribute sa kabuuan ng industriya.
Vilma has contributed din naman pero not enough pa siguro para maproklamang awardee of such. Kayo talaga, gusto ninyo kay Vilma na lang lahat. Huwag nga kayong suwapang, masama iyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.