MANANG,
Magandang araw po, Manang.
Ako po si Ms. Jie, 24- years-old mula sa Quezon City.
May ka-live-in po akong lesbian. Five years na po kaming magka-live-in at sa loob po ng five years ay marami na po kaming hirap at pagsubok na pinagdaanan at marami na po siyang sakripisyo. OK naman po ang pagsasama namin. May isang anak na po ako at mahal na mahal niya naman po kaming mag-ina.
Gusto ko lang po humingi ng advice kung dapat lang po bang makuntento na ako sa kanya at huwag nang mangarap pa ng kasal at normal na pamilya? Maraming salamat po ang more power.
Jie, Quezon City
Hi Ms. Jie ng Q.C.
You are one lucky individual dahil may nagmamahal sa iyo at sa iyong anak. Five years is a good number and sabi mo nga marami na kayong pinagdaanan. Tinatanong mo kung dapat ka makuntento sa iyong partner—why is this bothering you? Hindi ka ba kuntento? Sa tingin mo ba ay may kulang sa pagmamahalan n’yong dalawa? May hinahanap ka pa ba?
Nowadays, nag-evolve na ang society and even if maraming hindi nakaiintindi, ang definition ng “normal” na pamilya ay nag-iba na rin. Maraming broken families, nuclear families (laki sa mga tiyo at tiya, lolo o lola) at mga homosexual couples with kids. Whose to say na hindi ito normal sa ngayon?
I guess at 24, you might be in a mind set na you want to explore the possibilities for yourself. If my Math is right, 19 ka nang magsimula ang relationship n’yo and napakaaga nito for an individual to have a kid and face responsibilities early on.
Payo ng tropa:
Sino ba naman ang may sabi na hindi normal ang ganyang pagsasama? At sino ba ang nagtatakda ng abnormal na relasyon?
Kung mabubuhay ka na nagpapaapekto sa kung ano ang idinidikta ng ating society at ng ating kultura, hindi ka liligaya. Iisipin at mabubuhay ka sa dikta ng kung sino-sino. Ano ba ang pakialam nila sa relasyon mo? Sila ba ang nagpapakain sa inyo at magbabayad ng bahay ninyo at mga gastusin sa araw-araw?
– Leslie, ng Quezon City
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.